Wednesday , April 24 2024

Ang kandidato mo ba sa panguluhan ay santo?

KOMUNISTA nga ba ang isang tao kapag nakita kang nakasama sa isang piging o usapan o di kaya ay dahil kaibigan mo siyang maituturing dahil sa haba ng panahong kayo ay magkakilala?

Ang mga kaklase ko noong 1960-1964 sa dating Philippine College of Commerce Laboratory High School ay matatawa lang siguro kapag tinanong nag ganito.  Marami sa amin, lalo na mga kalalakihan ay napasama sa matinding campus activism, kung tatawagin ‘ika nga.

Ang ilan, sina Allan Tupas, Randall Echaniz, at ilang mga senior namin na sina Crispin Aranda at ilan pang campus activists na nabubuhay pa sa ngayon ay pawang ‘di matatawaran ang angking patriotismo at paggalang sa kapakanan ng Inang Bayan ang pag-uusapan.

Ang komunismo ay malawak na ang nararating at ang mga galamay nito ay di mo mapipiho ang kinalalagyan… sa kabundukan karamihan, sa ilang, sa parang at maging sa progresibong siyudad.

May ipinaglalaban silang adhikain at ito ay hanggang makamit ang minimithi sukdulang buhay ang kapalit.

Ang pagiging kaibigan ni Rodrigo Duterte kay Jose Maria Sison ay isang halimbawang napapanahon dahil si Duterte ay binansagan ng kanyang mga kalaban na isa raw komunista. Na kapag siya ay nahalal na Pangulo ng bansa ay magiging komunismo ang palakad niya.

Sa kabilang dako ang mga kalaban pa rin niya ay nagsasabing si Duterte raw ang magbabalik ng Martial Law sa oras na siya ay mahalal.

Ano ba talaga mga Koyang?

Ang isang napabalitang tinutunguhan ni Duterte na ‘elder’ niya ay si dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, kilalang isa sa mga lumaban sa diktadurya noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si FVR ay isa rin sa mga napabalitang kakilala ni Jose Maria Sison o mas kilala sa ngalang Joma, na nagtatag naman ng Communist Party of the Philippines.

Sinasabi rin ang pagiging kaibigan o nakakausap noong mga unang panahon ni FVR ay si Joma, sang-ayon sa ipinalabas na balita ng kampo ni Duterte.

Sabihin na nating magkakaibigan sina Duterte, Joma at FVR… ito ba ay sapat nang sabihin na sila ay komunista?  Aba, kung ganoon pala, dahil kaklase ko nang matagal na panahon sina Allan at Randy na piniling sumama sa kaliwa noong mga panahong matapos kami ng High School — pati ako ay makakaliwa na?

Ang bansang ito na ipinaglalaban nating lahat ay may mga mamamayang tulad nina Duterte, Joma, FVR, Allan at Randy.

Maaaring sa kanila ay may paninindigan silang naiiba sa karamihan… na nagsasawalang imik, nagbubulagbulagan o nagbibingibingihan sa katotohanang napagdaanan at ngayon ay  kinakaharap nila.

Ang koyang ninyo ay malawak ang pang-unawa… dahil kaklase ko sina Allan at Randy na apat na taong singkad na panahon nang kami ay mapupusok dala ng kabataan… wala akong ibang nasasaisip kundi ang makita at makasama silang muli kahit sa sumandaling panahon man lang at magpalitan ng kuwento ng aming buhay-buhay.

Sa mga ibig tumuligsa dahil hindi nila maatim na ang komunismo o diktadurya ang mananaig kapag nahalal si Duterte, nasa inyo ang paniniwala na ‘di sasansalain ng sino man sapagkat iyan ay inyong karapatan.

Ngunit para takutin ang tao sa pamamagitan ng pagkakalat ng kasinungalian siraan ang hindi ninyo napupusuang kandidato, e huwag naman.  Para na ninyong sinabi, ang bayang ito ay lalong mabubulid at walang pag-asang umangat.

Bakit ang kandidato ba ninyo’y santo?

About Jesus Felix Vargas

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *