Mayor Roderick “Dondon” Alcala tiyak na 2nd term sa Lucena City

Iba rin talaga ang nagtatanim ng mabubuting binhi, umaani ng mabubulas na bunga.

Gaya ni mayoralty candidate sa Lucena City na si Roderick “Dondon” Alcala.

Low-profile mula pa noong siya ay Konsehal hanggang maging vice mayor.

Ibang-iba ang ugali at hilatsa sa ngayon ay katunggali at walang kasawa-sawang si Ramon Talaga a.k.a Amon. Alkalde noong bise si Dondon.

Ilang panahon na lang at puwede nang magretiro na lang si Amon, ‘e bakit naman nagkakainteres pang tumakbo ulit na mayor?!

Ubos na ba? Ubos na ba ang ‘biyaya’ noong Mayor siya?

Tama na! Nadala na ang mga taga-Lucena dahil kayo lang ang happy ‘di ba!?

Sabi nga natin, kung nagtanim ng mabuting binhi tiyak aani rin ng kabutihan.

At kung nakapagtanim nga ng kabutihan si Dondon, sa Lunes huhusgahan ulit siya ng taong bayan para muling maglingkod sa kanila.

Kaya naman, Dondon ang malakas nating naririnig ngayon sa Lucena city…

Congrats Mayor Dondon Alcala!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com