Thursday , May 26 2022

Sunshine at Cesar, nagkakainitan na naman

BUMUBULA na naman ang bibig ni Sunshine Cruz sa dating asawa na si Cesar Montano. Nagkakainitan na naman sila.

Mukhang si Cesar ang tinutukoy ni Shine sa kanyang post sa Facebook  na, “Pampa-good vibes sa mga panahong may nagpapa- bibo.”

May pinasalamatan kasi si Shine na isang movie writer na naka-attach ang artikulo tungkol sa sagot niya sa bagong panayam kay Cesar. Ang caption niya ay, “Salamat po. May mga tao talagang sadyang pa-bibo.”

Tinalakay kasi ni Cesar ang tungkol sa kanilang mga anak na matagal nang hindi nakikita. Na-quote pa ang actor nang sabihan siyang puwede niyang ilaban pero tahimik lang daw siya alang-alang sa mga bata. ‘Pag sinabi raw niya ang dahilan, masasaktan lang umano ‘yung nanay (Sunshine) nila.

May post pa si Sunshine sa kanyang Facebook account na, “May pasabog ka raw. Pasabugin nalang kaya kita?! Kulit.”

Mukhang sagot umano ito sa isang artikulo na ang titulo ay, “Cesar, may kinikimkim na pasabog kay Sunshine.”

Sey naman ni Shine, may karapatan daw si Cesar na makita ang mga anak nila. Malalaki na raw ang mga ito para mag-decide kung gusto nilang makita ang kanilang ama. Kung kailan daw magdesisyon ang mga anak nila na gusto siyang makita, irespeto raw niya at hintayin na lang daw ‘yun. Mag-focus muna raw siya sa ibang mga anak niya, sa pagpasok sa politics at sa mga trabaho niyang dumarating.

Hindi raw kailangang mag-worry si Cesar dahil nasa mabuting kalagayan ang mga anak nila at pati pag-aaral nila ay natututukan ng actress.

“Nananahimik na nga, eh. Sinusubukang manahimik pero ayaw niyang tumigil. Kids are happy, excelling and not at all bothered and traumatized unlike before. Sana patahimikin na lang muna niya kami at tigilan na ang pag-iingay sa media,” deklara ni Sunhine sa isang panayam.

Hindi rin nagustuhan ni Sunshine na parang isinusumbat umano ni Cesar ang ibinibigay na tuition fee ng mga bata.

Pero baka namis-interpret lang ito ni Shine dahil maingat namang sinagot ‘yun ni Cesar at tama ring malaman ng publiko na maski  paano may mga responsibilidad din si Cesar  sa kanyang mga anak na natutugunan niya gaya ng pag-aaral.

Ang ipinupunto naman ni Shine, hindi lang ang tuition fee ng mga bata ang obligasyon ni Cesar para maging isang mabuting ama, mayroon pa sanang higit doon. Naiisip din daw ba ni Cesar kung nakakain ng maayos ang mga bata at may matutuluyang maayos na bahay?

Bukod dito, gusto rin niya na itigil ni Cesar ang pagbanggit sa mga anak nila pag ini-interview ito. ‘Wag din daw siyang pasamain at mawalan ng work dahil ano raw ang ipakakain niya sa mga anak nila ‘pag nawalan siya ng trabaho.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Carl Balita Judy Ann Santos Marvin Agustin Kris Aquino James Reid

TAGUMPAY nina Juday, Marvin, Kris, at James sa negosyo ibubuking ni  Dr Carl 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio CHAMPION nang maituturing si Dr Carl Balita pagdating sa pagnenegosyo. Bakit naman …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Leave a Reply