Tuesday , February 7 2023

Joshua, nakapagpundar na ng sasakyan at lupain

00 fact sheet reggeeKASAMA pala dapat si Joshua Garcia sa grupong Hashtags na regular na napapanood sa It’s Showtime ngayon at magkakaroon na ng album mula sa Star Music.

Pero tinanggal siya sa grupo, at sabi ni Joshua, “management (ABS-CBN) na lang po ang bahala, sila naman po ang nakaaalam,” say ng batang aktor.

Kuwento pa, “mas nakikita raw po ng management na mas may opportunity ako rito sa shows (serye) kaya ganoon po, hindi ako isinama. Actually, kasama nga po ako sa pictorial ng Hashtags noon, kaso tinanggal ako.”

Makakasama naman ang bagets sa seryeng Born For You nina Janella Salvador at Elmo Magalona at katatapos lang niyang mag-MMK (Maalaala Mo Kaya) na dinaig pa niya ang ibang miyembro ng Hashtags dahil ito ang pangarap nila.

Samantala, sa edad 18 ay may alam na sa buhay ang bagitong aktor dahil sa dalawang taon palang niya sa showbiz ay nakabili na siya ng lupa na pinatatayuan niya ngayon ng studio apartment bilang umpisa ng extrang pagkakakitaan.

Nakabili na rin siya ng sasakyan na ginagamit niya ngayon sa araw-araw, “first soap (drama-‘Nasaan Ka Nang Kailangan Kit’) ko po, nakabili na ako ng kotse tapos nakabili na po ako ng lupa para sa pinatatayuang apartment. Tapos kapag nagka-soap po ulit, bibili ulit ako ng lupa para madagdagan po ‘yung tatayuang apartment.”

Hindi mahilig magbibili si Joshua dahil, “hindi po ako mahilig sa branded na gamit bumibili lang po ako kapag kailangan, lalo na ngayon may sponsor akong BNY (The next generation youth wear), so okay na po ako, tapos sa shoes, Jump, puwede na po ‘yun. Hindi rin po ako mahilig sa gadgets, okay na po ako sa cellphone, wala nga po akong laptop, eh.”

Ang isa pang puntiryang ipatayo ni Joshua ay, “plano ko po, ipagpatayo si papa ng tapsilogan ganoon. Kasi sayang po ‘yung talent ng papa ko, magaling po kasi siya magluto.”

Kaya sa pagbabalik-eskuwela raw ni Joshua ay plano niyang kumuha ng kursong may kinalaman sa business o entrepreneurship para madagdagan ang kaalaman niya sa pagtatayo ng negosyo.

Kaya siguro maagang nagmature ang binatilyo ay dahil hiwalay ang magulang niya at may mga kanya-kanya ng buhay at sa tatay siya napunta.

Sa tiyuhing pari na kapatid ng tatay niya lumaki si Joshua dahil hiwalay ang magulang niya at dito siya inihabilin ng ina noong bata pa siya.

Kaya pala lumaking mabait ang binatilyo dahil laking kumbento at sa tanong kung binalak niyang maging pari rin tulad ng tiyuhin?

“Ayoko po, boring. Nabo-bored po ako sa loob ng simbahan,” natawang sagot ng batang aktor.

At dahil mahiyain at mabait si Joshua bukod pa sa laging nakangiti at never namin siyang nakitang sumeryoso kaya tinanong namin kung paano siya magalit.

“Bihira naman po kasi akong magalit, ano po ako, eh, hindi ko pinapansin ‘yung mga ganoon, kapag galit ako sa isang tao, hindi ko na pinapansin, kapag kaming dalawa lang, kinakausap ko siya para sabihin ‘yung sama ng loob ko.

“Hindi po ako nakikipagsapakan sa school, wala pa naman akong naranasang ganoon po. Pero maloko rin naman ako,” pag-amin ng binatilyo.

At ang tunay na dahilan kaya sumali si Joshua sa PBBAIn, “ako po ang nag-decide na sumali sa ‘PBB’ kasi po that time na gusto ko ng mag-ayos sa pag-aaral ko sa high school, at saka po nawalan ng work ang papa ko, so nagdesisyon po akong sumali dahil sa prizes.”

Samantala, ang ka-loveteam ni Joshua na si Eloisa Zaguirre ay plano niyang ligawan noon, pero sinabihan daw siya ng tatay ng dalagita.

“Sabi po barkadahan lang muna kasi 15 palang siya noon, 17 na siya ngayon. At saka respeto na lang din na po sa papa niya na sinabihan na ako,” kuwento ng bagets.

As of now ay magkaibigan lang sila ni Eloisa at napa-partner naman sa iba gayundin si Joshua.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

LA Santos

LA Santos kaabang-abang ang proyekto kasama si Maricel Soriano

COOL JOE!ni Joe Barrameda TUWANG-TUWA si LA Santos nang tanggapin niya ang Best New Male Artist trophy …

Jerome Ponce

Love affair ni Jerome tinitira

HATAWANni Ed de Leon GUWAPO naman si Jerome Ponce at mahusay ding umarte iyong bata. Kaya lang …

Princess Zian

Princess Zian game sa sexy genre, pati na sa drama at comedy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio FIRST movie ng newcomer na si Princess Zian ang pelikulang …

Jillian Ward

Dance video ni Jillian humahakot ng views

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY na humahakot ng napakaraming views ang Abot Kamay Na Pangarap videos sa TikTok. …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth umamin may namamagitan na sa kanila ni Francine

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Seth Fedelin  na naiinis siya kapag sinasabi ng iba …

Leave a Reply