Saturday , December 10 2022

Ritz bida na agad kahit kalilipat pa lang sa Dos

00 fact sheet reggeeMAG -IISANG buwan palang si Ritz Azul sa ABS-CBN bilang Kapamilya ay heto at may teleserye na kaagad siya kasama sina Ejay Falcon at Paulo Avelino.

Ang unang serye ng dalaga ay ang The Promise of Forever mula sa direksiyon nina Darnel Joy Villaflor ng Nathaniel at Hannah Espia ng Transit (2013) at Midlife (2016).

Naikuwento ng dalaga kung paano nagsimula ang offer sa kanya, “after niyong contract signing po with ABS-CBN nasabi po na I’ll be guesting in ‘Ang Probinsyano’. After guesting po sinabi na po itong ‘Promise of Forever’ teleserye.

“So feeling blessed ako, kasi kapapasok ko palang sa Kapamilya nakasama na ako kaagad sa teleserye. Noong sinabi naman kaagad sa akin ang story, ang ganda at bago.

“At saka isa itong oportunidad sa akin na maipakita ko naman sa ABS na karapat-dapat akong maging Kapamilya. So isang challenge ito para sa akin.”

Ang dalawang aktor na pangarap ni Ritz na makasama ay sina Paolo at Coco Martin nang mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano na natupad na.

Sabi nga ni Ritz tungkol kay Paolo, “shocks, katabi ko pa siya ngayon, ha, ha, ha so ‘yun, kinikilig ako. Masayang-masaya po ako, thank you Dreamscape, thank you,” masayang sabi ni Ritz.

At kaya gustong makatrabaho ng dalaga sina Coco at Paolo, “unang-una ang daming awards, ang gagaling. Gusto ko rin po talagang maging magaling ding artista na naniniwala po ako na kapag nakatrabaho ko po sila, marami akong matututuhan from them.”

Ang kuwento ng Promise of Forever ay tungkol sa mga taong umibig at nasaktan at nangakong iibig ulit at hahanapin kung ano ang mayroon sa forever pagkatapos niyang masaktan.

Kababata ni Ejay na gaganap bilang Philip si Ritz na noon pa ay mahal na niya pero deadma sa kanya dahil iba ang prioridad nito sa buhay. Pero ang binata naman ang sandigan ng huli kapag namromroblema sa lahat ng bagay.

Si Ritz naman ay si Sophia at lumaking masayahin kapiling ang tito at tita at naranasan daw magmahal at takot ng umibig muli dahil sa takot.

“Parang totoong buhay lang, kasi natatakot,” biro ng dalaga.

Nagkasama raw sa trabaho sa isang cruise sina Ejay at Ritz at dito rin nakilala ng huli ang karakter ni Paolo.

Gagampanan naman ni Paolo ang karakter na Lawrence na kapag umibig ay lubusan at may twist daw na mangyayari.

Mediterranean cruise raw ang shooting ng tatlong bida na nagkakilala pero hindi muna binanggit kung ano-anong bansa sila pupunta pero ayon kay direk Darnel ay sa Eastern Europe ang tungo nila na ang mga nakapalibot dito ay ang mga bansang Greece at Croatia at base rin sa na-google namin ay kabilang din ang mga bansang Czech Republic, Poland, Hungary, Romania, Moldova, Lithuania, Latvia, Estonia, Slovenia, Slovakia, Bulgaria, Ukraine, Belarus, Serbia, Montenegro, Bosnia, Herzegovina, Albania, Kosovo, at Macedonia.

Ang The Promise of Forever ay handog ng Dreamscape Entertainment at mapapanood ito sa primetime.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply