Friday , January 28 2022

Consla Party-list, magtatayo ng pinakaunang Phil. Mass Media Savings and Loan Association

00 SHOWBIZ ms mSA mahigit na anim na dekadang pamamayagpag ng Non-Stock Savings and Loan Associations (NSSLAs), kinikilala ito ng Bangko Sentral na nagtutulak ng magandang ekonomiya sa bansa bilang self-help vehicle ng maliliit na sektor ng lipunan.

Kaya palalakasin ang NSSLA industry para palawakin ang coverage nito para makatulong sa mas nakararaming Pinoy na makakuha ng kaparehong benepisyo gaya ng kanilang mga miyembro, ang CONSLA ay bumuo ng #68 Consla Partylist.

Nangangako ang Consla Partylist ng tunay na economic growth sa pamayanan lalo na sa OFWs sa pamamagitan ng marangal na pagpapahalaga sa mga katagang “sariling sikap” at “bayanihan”. At sa pamamagitan nito,  magkakaroon ng mas responsableng mamamayan na hindi lang umaasa sa tulong ng gobyerno ngunit gagawa rin ng sariling pamamaraan upang magkaroon ng progreso sa kanilang pamayanan sa pamamagitan ng mga self-help vehicles na nabanggit.

Ikinokonsidera ng CONSLA Partylist ang mass media kasama na ang mga mamamahayag at manggagawa sa telebisyon at pelikula bilang mga malalakas na puwersa sa ating bansa na nakapagbibigay ng sipag sa ating Philippine economy. Naniniwala si Col. Ricardo Nolasco Jr., (ret. PAF), ang first nominee ng CONSLA Partylist, na ang mass media ay hindi lang source ng impormasyon at entertainment, kundi nagsasalamin din ng pag-asa at pangarap ng mga ordinaryong tao.

Ang #69 Consla Partylist ay nangako na magbibigay ng tulong at suporta sa mass media sa dalawang paraan: “seed money” at sapat na training at kaalaman para makapagpatayo ng sariling savings and loan association na tatawaging Philippine Mass Media  Savings and Loan Association; at magpapasa ng mga batas na magbibigay-proteksiyon sa interes at kapakanan ng mass media.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kris Aquino

Kris binuweltahan mga nagpapakalat ng fake news — Sorry buhay pa… it’s not yet goodbye

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINAWAG ni Kris Aquino na fake news ang mga kumalat na tsismis …

Korina Sanchez Ping Lacson

Korina aliw sa pa-farm ni Sen Ping

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI maitago ni Korina Sanchez-Roxas ang aliw nang magtungo sa farm ng …

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Leave a Reply