Tuesday , February 7 2023

Kris, deadma sa mga bumibira sa paggamit ng presidential chopper (Dahil sa wisdom of keeping quiet…)

00 fact sheet reggeeHUMINGI na ng saklolo si Kris Aquino sa mga taga-Hagonoy, Bulacan noong Huwebes na roon ginanap ang sortie ng Liberal Party.

Binibira si Kris sa social media dahil sa paggamit niya ng presidential chopper noong Martes, Abril 19 sa isang sortie sa Argao, Cebu.

Kaagad namang ipinagtanggol si Kris ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ipinadala niya sa pamamagitan ng text message sa press corp, ”members of the President’s immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles.”

At ayon pa sa report, hindi naman daw sa Argao, Cebu kuha ang mga litrato kundi sa inauguration ng 59-megawatt Solar Power Plant sa Negros Occidental sa San Carlos Ecozone, sa Barangay Punao dahil isinama si Kris ng kanyang kuyang presidente.

Samantala, kinamusta naman namin si Kris at sinagot kami ng, ”hello from Pampanga-going to Bulacan later,” noong Huwebes ng hapon.

At sa report ng Bandila noong Huwebes ng gabi ay humingi na ng tulong si Kris sa mga taga-Hagonoy, Bulacan.

Sabi ng Queen of All Media, ”binubugbog po ako sa social media, sinasabi mapang-abuso raw ang pamilyang Aquino, makapal daw ang mukha namin dahil ginagamit ko raw ang presidential chopper para mangampanya. Puwede bang ipagtanggol niyo ako?

“Ang mga guard na kasama ko, naloka na lang nang sinabi ko maglakad na tayo, dahil nakaHIhiyang paghintayin ang Hagonoy.

“Narinig ko si Leni Robredo ay nagsalita na. Sabi ko, ‘Hindi puwedeng paghintayin ko kayo.’

“Kaya po ako hinihingal, tatlong kilometro po ang nilakad ko.

“Pero ginawa ko ‘yan dahil ang pamilyang Aquino, one hundred percent ang suporta kay Mar Roxas.”

Sa report naman ng GMA 7 news ay ipinagtanggol din ni PNoy ang kapatid.

”Alam naman niyo, noong pagdating ng Martial Law, sino ba ang inasahan namin? Basically ‘yung nanay ko, kaming magkakapatid, okay.

“Itong pagtahak namin na pagkatagal-tagal…Kris was (only) one-year-old when Martial Law was proclaimed.

“So, dumating siya, nagkamalay siya kung kailan dapang-dapa kami bilang isang pamilya.

“Gusto ko namang ipakita sa kanya, ‘Tingnan mo ang resulta na talagang nagiging makabuluhan at may saysay itong demokrasyang ipinaglaban ng mga magulang natin.

“Siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer, okay.

“Ugali ko rin na kunwari mayroong…di ba, kapag kausap natin ang mga negosyante, ang turo natin, ‘May ginawa kayong ganito, may potensiyal na ganyan.’

“Kung kailangang isakay ko sila roon sa helicopter, isakay ko para minsanan ma-dialogue, makita ‘yung vision.

“Whether as an individual taxpayer or somebody who was very close to me, who shared all of the burdens, I think it’s just but proper na i-share naman the successes, share kami sa hirap, share ko na rin iyong success.”

Sa kabilang banda, nangako naman si Kris na deadma na siya sa mga ibibira pa sa kanya ngayon dahil natutuhan na raw niya ang wisdom of keeping quiet.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

LA Santos

LA Santos kaabang-abang ang proyekto kasama si Maricel Soriano

COOL JOE!ni Joe Barrameda TUWANG-TUWA si LA Santos nang tanggapin niya ang Best New Male Artist trophy …

Jerome Ponce

Love affair ni Jerome tinitira

HATAWANni Ed de Leon GUWAPO naman si Jerome Ponce at mahusay ding umarte iyong bata. Kaya lang …

Princess Zian

Princess Zian game sa sexy genre, pati na sa drama at comedy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio FIRST movie ng newcomer na si Princess Zian ang pelikulang …

Jillian Ward

Dance video ni Jillian humahakot ng views

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY na humahakot ng napakaraming views ang Abot Kamay Na Pangarap videos sa TikTok. …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth umamin may namamagitan na sa kanila ni Francine

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Seth Fedelin  na naiinis siya kapag sinasabi ng iba …

Leave a Reply