Tuesday , January 25 2022

Jimboy ng Hastags, pangarap magka-MMK

00 fact sheet reggeeMASUWERTE si Pinoy Big Brother 737 big winner, Jimboy Martin dahil hindi na siya nag-audition para mapasama sa Hashtags kundi handpicked siya mismo ni direk Laurenti Dyogi, ABS-CBN Head of TV Production.

Kuwento ni Jimboy, ”sabi ko po kay kuya Zeus, ‘sana sa labas magkaroon tayo ng grupo’, tapos ganoon nga po nangyari sabi ni direk Lauren na may binuo silang male group at kasali raw po ako kaya laking pasalamat ko po na kay direk Lauren.”

Rapper si Jimboy at naipamalas niya ito noong nasa loob siya ng Bahay ni Kuya kaya naman isa ito sa nagustuhan sa kanya ng mga bumoto at ng management dahil walang gumagawa nito sa mga talent ng ABS-CBN.

Tinanong namin si Jimboy kung sino ang sikat sa Hashtags? ”Sa tingin ko po si Ronnie Alonte, pero lahat naman kami kilala ‘pag may show,”sabi kaagad ng binatilyo.

At tulad ni Ronnie, pangarap din ni Jimboy na, ”magkaroon po ako ng ‘MMK’ (din). Ang gusto ko pong maka-loveteam, kahit sino na po kasi lahat mayroon na yata.” At ang showbiz crush niya ay si Maja Salvador.

Samantala, noong pasukin na raw ni Jimboy ang showbiz at nakakabanggaan siko na niya ang mga kilalang artista ay nag-iba raw ang pananaw niya.

Aniya, ”ganito pala. Ganito po pala ang maging artista kasi kapag napapanood sila (pelikula at TV), akala nila madali, pero roon sila nagkakamali kasi mahirap po, sobra. Pero kung ini-enjoy mo naman, hindi ka mahihirapan. Ako po, ini-enjoy ko pa naman ang ginagawa ko kaya hindi ako nahihirapan.”

Ang napanalunang pera ni Jimboy bilang big winner ng PBB 737 ay ibinanko muna niya pero hindi na raw ito buo dahil hinati-hati rin niya  sa mga kapatid niya para naman may sarili silang ipon at mag-iipon na lang uli siya para sa bibilhing lupa na pagtatayuan ng bahay nila sa Nueva Vizcaya.

Kuwento ni Jimboy, ”public land po siya kaya hindi namin alam kung paano at saka nasa paanan po ng bundok, kaya nag-iipon po ako para pambili ng bahay at lupa namin.”

Kamakailan lang ay bumili ng sariling sasakyan si Jimboy na galing sa mga kinikita niya sa TV guestings at mall shows simula noong nanalo siya.

“Nag-ipon po muna ako bago ako bumili ng sasakyan kaya po ‘yung napanaunan ko,” saad ng Hashtags member.

Inuna raw ng binatilyo ang sasakyan para raw may magamit siya pagpunta-punta sa mga show at para may magamit din ang pamilya niya na dumadalaw ng Maynila dahil nga hindi na nakauuwi si Jimboy sa probinsiya nila.

May napanalunang house and lot si Jimboy handog ng Camella Homes at kasalukuyang ginagawa na raw ito sa Bulacan, Bulacan.

“Ginagawa palang po, noong pumunta po kami roon, ayos naman po, pang family na, sa itaas may dalawang kuwarto, tapos sa baba,” say ni Jimboy.

Pero sa pamilya raw niya ito ibibigay para may tutuluyan sila ‘pag lumuwas ng Manila at ang pangarap na bahay ni Jimboy ay pag-iipunan muna niya.

Bongga ang Hashtags dahil may album na rin sila na malapit nang i-launch ngStar Music na produced ni Jonathan Manalo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply