Friday , July 26 2024

Libro ni Kathryn, inilabas na

WALA raw nabago ngayong 20 years old na ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo pagdating sa kanyang personal at showbiz life.

Ani Kathryn nang makausap namin sa kanyang birthday celebration na hatid ng NCF Philippines, ang kanyang foundation na sinusuportahan last April 3, ”Ang sabi ko nga parang number lang ‘yung nabago.

“Ganoon pa rin naman wala namang pagbabago ini-enjoy ko lang.

“Ang feeling ko ang dami kong natutuhan noong 2015 and excited ako sa mga mangyayari ngayong 2016.

“Alam ko na ‘yung gusto ko sa ayaw ko, alam ko na ‘yung tama sa mali and ‘yung pag-handle ng mga bagay maturely kasi nga 20 na.”

Ano pa ang mga gustong gawin ni Kathryn ngayong 2016?

“As of now hindi ko pa alam, pero thankful ako kasi kahit anong gawin ko sinusuportahan nila.

“And hindi ko naman iniisip na author ka (EveryDay KATH 365 Ways to be a Teen Queen), singer ka na (Kathryn Bernardo self title album under Star Music), basta may gusto lang akong i-offer sa kanila na parang gift ko ‘yun ang ibinibigay ko sa kanila and itong book na ito for my 20th birthday talaga ang tagal naming pinagtrabahuhan sana magustulan nila.”

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *