Wednesday , April 17 2024

Kiray parang sandok ang face kaya walang karapatan magmahadera (Ayaw raw makipag-selfie sa fans)

ILANG fans ni Kiray Celis ang mega-reak sa ginawang pang-iisnab ng idol nila sa isang theater tour para sa pelikulang “Love Is Blind” na silang tatlo nina Solenn Heusaff at Derek Ramsay ang mga pangunahing bida.

Talagang lantaran raw ang pag-ayaw ni Kiray na makipag-selfie, sa mga nagrereklamong tagahanga na labis na ikina-turn-off nila sa hinahangaan pa namang batang komedyana.

Teka lang ang tanong, may karapatan na bang magyabang si Kiray porke’t kumita ang Love Is Blind. Bentaha na ba ang isang hit na movie na

in the first place ay hindi naman niya solo, para malunod agad sa isang basong tubig ang hitad?

Saka mukhang sandok ang face niya kaya’t wala siyang karapatan magmaganda o magmahadera lalo na sa mga taong sumusuporta sa kanyang career.

Pero agad naman nag-deny si Kiray sa nasabing issue. Sa katunayan, siya pa raw mismo ang nagte-tweet sa fans, na gustong magpa-picture sa kanya kapag may event siya. It’s her words against the fans.

Ang dapat nga ay magpasalamat siya sa mga biyayang kanyang tinatamasa gyud!

ANNE BUKO NA ANG KASAMAAN NI BOYET SA FPJ’S
ANG PROBINSYANO ACTION-DRAMA SERIES NI COCO
(Anim na buwan nang nangunguna sa ratings)

Mula nang umere noong September 28 last year ang action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Primetime King na si Coco Martin, wala pang nakaaagaw sa hawak na record ng serye na number 1 show ABS-CBN Primetime Bida.

Rating wise, consistent ang “Ang Probinsyano” sa 40 percent pataas nilang ratings gabi-gabi at last March 3, ay nagkamit ng 43.0 % base sa datos ng Kantar Media.

Kaya naman buong cast sa pangunguna ni Coco at ni Ms. Susan Roces ay masaya at nagbubunyi sa malaking tagumpay na tinatamasa ng programa nila mula sa Dos at Dreamscape Entertainment.

Samantala sa latest episode ng serye ay nabuko na ni Trina (Anne Curtis) ang kasamaang itinatago ng stepfather na si Mike (Christoper de Leon) nang kumanta ang isa sa mga tauhan nito.

Galit na galit na kinompronta ni Trina at pinaaamin kung ano ang ginawa ng pangalawang ama sa kanyang Mommy na si Rosella (Cheska Iñigo) na sinadyang sagasaan ni Mike para siya na ang magmaniobra sa buhay ni Trina.

Alam na rin ni Cardo(Coco) ang modus operandi ni Mike na miyembro ng sindikato na tinutugis rin ng rebeldeng si Homer Dimayuga (Noni Buencamino) dahil pinatay niya ang kanyang kapatid kaya binihag si Trina para makapaghiganti.

Malaking sindikato si Mike na nagtutulak ng droga at armas magtagumpay kaya si Cardo at SPO1 Glen Corpuz (Maja Salvador) na mahuli sila.

Paano na pala si Glen ngayong unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Trina kay Cardo na nagsilbi niyang night shining armor.

Ito namang si Carmen (Bela Padilla) ay ayaw sukuan ng mapagkunwaring si Police Senior Insp. Joaquin Tuazon (Arjo Atayde). Ginagawa ni Joaquin ang lahat para tuluyan nang mapasakanya si Carmen na may lihim na pagtingin sa bayaw na si Cardo.

Ano naman kaya ang mararamdaman ni Carmen, kapag nalaman niya na ang bait-baitan at concern pala sa kanya at sa anak na si Junior (Lei Andrei Navarro) na si Joaquin ang siyang pumaslang sa mister na si Ador?

Paano at sino ang makadidiskubre ng sikreto ng mga kawalanghiyaang ito ni Joaquin?

Tuloy-tuloy lang ang pagtutok weeknights sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Ang teleseryeng hindi nakauumay panoorin gyud!

Cast ng “And I Love You So” makikipiyesta sa Davao!
JULIA AT MILES TATAPUSIN NA ANG HIDWAAN
SA HULING LINGGO NG “AND I LOVE YOU SO”

Mamamayani ang katotohanan at pagpapatawad dahil magkakaayos na ang dating magkaribal na sina Joanna (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto) upang maisalba ang kanilang mga buhay mula kay Dexter (Jay Manalo) sa huling linggo ng “And I Love You So.” Matapos makuha ang mga ari-arian ni Alfonso (Tonton Gutierrez), tatakas si Katrina (Angel Aquino) kasama ang kanyang anak na si Trixie at lalayo kay Dexter upang masolo ang perang kanyang nakamkam. Ngunit bago pa sila makaalis, madarakip ni Dexter si Trixie at susubukang patayin ang dalaga. Pero makagagawa siya ng paraan na makatakas at hihingi ng tulong mula kay Joanna. Dahil sa lubos na pag-aalala, agad siyang pupuntahan ni Joanna at susubukang iligtas ang kanyang buhay.

Maisalba kaya ni Joanna sa panganib si Trixie o parehong malalagay sa bingit ng kamatayan ang kanilang mga buhay? Ang ang gagawin ni Katrina upang hindi magtagumpay ang masasamang plano ni Dexter?

Samantala, abangan sina Julia Barretto, Miles Ocampo, Iñigo Pascual, at Kenzo Gutierrez na maki-piyesta at magpapadama ng taos-pusong pasasalamat para sa mainit na suporta ng mga manonood sa “And I Love You So” sa Kapamilya Karavan sa Araw ng Davao 2016 ngayong Sabado (March 12), 4pm sa SM City Davao.

Tutukan ang huling linggo ng “And I Love You So,” tuwing hapon sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *