Wednesday , April 17 2024

Ana Capri, nagpakitang gilas sa pelikulang Laut

00 Alam mo na NonieNAGPAKITANG gilas ang versatile na aktres na si Ana Capri sa indie film na Laut. Ang pelikula na pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio ang opening film sa Singkuwento International Film Festival, Manila Philippines (SIFFMP) na ginanap sa Leandro Locsin Theater ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

022616 Ana CapriAng Laut ay ukol sa mga katutubong Badjao na napadpad sa lahat area sa Pampanga na ang ilan ay namamalimos lang sa mga karatig na lugar. Bukod kay Ana, ang pelikulang ito ng BG Productions International ay tinatampukan nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ronwaldo Martin, Perla Bautista, Gabbi Garcia, Erika Yu, Felixia Dizon, Rico Barrera, at iba pa.

Sasabak ang Laut sa dalawang international filmfestival sa London at Portugal, ano ang masasabi ni Ana rito? “Hopefully, sana ay ma-claim natin na mabigyan ng blessings ang pelikula naming ito.”

Nang sabihin namin na magaling siya sa Laut at posibleng manalo ng award, ito ang sagot sa amin ni Ana. “Sana Kuya Nonie ay magdilang anghel ka, sana ito na yung chance, dito sa movie na Laut,” nakangiting saad niya.

Agaw-eksena ang ginawa niyang pagligo sa batalan at pagdumi niya sa orinola, ano’ng reaction niya rito? “Mahirap umebs nang nakaharap sa camera, ha-ha-ha!” pahalakhak na saad niya.

Sinabi rin ni Ana na proud siya sa pelikulang Laut.

“Oo, proud ako sa movie na Laut. Proud ako na naging bahagi ako ng pelikulang ito, na may kabuluhan. Na maaaring magbigay ng awareness sa mga tao.Then hopefully, magkaroon ng action. Kasi, mayroon siyang message na makapagpabago naman sana sa buhay ng mga taga rito, na iyong mga authority ay umaksiyon naman sila.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *