Sunday , April 21 2024

Valentine concert nina Maine at Alden, naudlot

121715 aldub
MARAMI ang nagtatanong sa presscon ng PANAHON ng May Tama: ComeKilig kung ano ang nangyari sa AlDub na planong iprodyus ng CCA Entertainment Productions ng actor-producer na si Joed Serrano.

Wala pa ring announcement si Joed kung sila nga ba ang surprise guests sa Comedy Concert nina Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland, Papa Jack, at Ate Gay sa February 13 sa Smart Araneta Coliseum.

Basta iginagalang ni Joed ang desisyon ng management nina Maine Mendoza at Alden Richards na hindi natuloy ang kanilang malaking concert.  Hindi naman totally na tinanggihan si Joed pero baka nga naman gahol sa panahon at rehearsal para sa malaking concert venue.

Kung mapupuno ang Araneta, malaking yes pero baka mayari rin sila sa mga puna sa performance nila kung mamadaliin.

Happy na rin si Joed na ibinigay ang service ni Alden ng GMA Artist sa kanyang show sa Clark, Angeles, Pampanga sa February.

Hindi naman nagsinungaling si Joed na nag-offer siya ng P20-M TF ni Alden sa Araneta at hindi drawing ‘yun.

“Totoo ’yung date ko dahil sa akin ’yon. My offer is not only for Araneta. May offer din ako for the local tour at international. Kulang daw ang preparasyon. Magsa-suffer ang concert nga naman. Eh, makulit ako kaya nag-concentrate ako ng solong offer kay Alden. So nirespeto ko ang desisyon ng management, middle part or latter part of this year. Depende kung GMA will do it on their own. Nandoon ako sa posisyon na wala akong tinanggihan. Ako ang nag-offer. ’Yun po. Because of their hectic schedules. Anyway, I thank the managers for studying my offer and even they had to decline eventually,” deklara  ni Joed.

Pero nabuo pa rin ang cast ni Joed sa Feb 13 niya sa Araneta sa tulong ni Direk Andrew de Real para sa isang comedy Valentine concert.

“’Yung formula na pagsamahin sila, para maging kakaiba naman ang Valentine’s. Kasi ’pag napapansin ninyo, ’pag Valentine’s, puro kantahan. So ito, tumawa naman. Sa rami ng problema ng tao, sa lovelife, brokenhearted, kahit happy ang buhay nila, mas masaya na kakaiba ’yung show na maibigay namin sa Valentine’s Day,” bulalas pa ni Joed.

Ang sponsors ng PANAHON ng May Tama #ComeKilig ay ang Motortrade, Cherry Mobile, Happee Toothpaste, Mister Donut, Belo Essentials, Aficionado, Bactidol, Enervon, Emperador Light, San Mig Light atbp..

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *