Wednesday , April 17 2024

Gladys, nakabalik sa limelight dahil kay Boobsie

020116 ate gay Chuchay Boobsie Papa Jack
MAS havey sa amin na piliin ang isang Valentine show na tatawa, kikiligin, at may kantahan. Swak sa amin ang prodyus ni Joed Serrano ng CCA  Entertainment Productions  na PANAHON ng May Tama: ComeKilig na tampok sina Gladys “Chuchay” Guevarra, Ate Gay, Boobsie Wonderland, plus the special participation of Metro Manila’s hottest FM radio personality, Papa Jack.

Gaganapin ito sa Feb. 13 sa Smart Araneta Coliseum,  sa ilalim ng direksiyon ni Real. Panalo ang show na ito dahil magbibigay ng “the best in comedy entertainment.”

“Grabe,” bukod tanging reaksyon ni Boobsie nang tanungin na pang-Araneta na ang performance niya.

After pagkatiwalaan ng actor-producer na si Serrano na mag-concert si Ate Gay sa MOA, nasundan ngayon sa Araneta. Hindi isyu kay Ate Gay kung hindi niya solo ang Araneta at apat sila. Sinusunod lang daw niya kung ano ang desisyon ng kanyang manager. Ang importante ay pinagkakatiwalaan siya ni Joed at sinasabi na kumita naman siya sa MOA concert.

Kompleto’s rekados ang PANAHON ng May Tama: ComeKilig dahil si Gladys ay kinatawan ng mga Girl,  si Papa Jack sa  ‘Boy,’ si Ate Gay sa mga ‘bakla’ at si Boobsie sa mga ‘tomboy’.

Nakatakdang ikasal si Boobsie sa kapwa-babae ngayong March. Parang Aiza Seguerra at Liza Dino ang peg.

Tinanong tuloy kung ano ang gender ni Boobsie?

“Bwahahaha. Tito, ikaw na po bahala,” pakli niya.

Anyway, havey ang tandem nina Chuchay at Boobsie na nagsimula sa Sunday Pinasaya. Kinuha silang guest ni Mamu (Direk Andrew) pero nag-rate ang segment nila hanggang maging regular na ng show.

Tanggap kaya ni Chuchay na nakabalik siya dahil sa tandem nila ni Boobsie? Naging in siya ulit. Hindi ba siya naiirita ‘pag ikinukompara na siya ngayon kay Boobsie na dating front act lang niya sa mga show niya sa mga comedy bar?

Sa tagal na raw ni Chuchay sa industry ay deadma na siya at hindi na nagpapaepekto. Ang ginagawa ni Boobsie ay dati na rin daw niyang ginagawa. Matagal na raw nilang kilala ang isa’t isa. Sakay na raw ni Boobsie ang mood niya kaya hindi sila nagkakaroon ng conflict.

Sey pa ni Chuchay, iisa lang naman ang target nila ni Boobsie, ito’y ang magbigay ng kaligayahan sa mga manonood ng kanilang comedy concert sa February 13 sa Smart Araneta.

Anyway, pinakamababang presyo ng tiket ng PANAHON ng May Tama: ComeKilig ay P200 kaya lahat ay kayang-kayang makisaya at tumawa sa Araw ng Mga Puso sa Araneta. Puwede bumili  ng tickets sa ticketnet.com.ph.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *