Wednesday , April 24 2024

Dep’t Head ng QC Hall wagas magmura sa bebot

THE WHO logoTHE WHO ang isang Department head ng Quezon City Hall na ‘di yata marunong mag-toothbrush kung kaya’t parang imburnal na ang bibig kapag nagagalit sa kanyang kapwa empleyado.

Ayon sa ating Hunyango, walang preno-preno ang bunganga nitong si opisyal dahil hindi na niya isinasaalang-alang kung ano ang kanyang sasabihin basta bira nang bira lang.

Para bang armalite kapag bumanat?!

Ratatatat!

Minsan daw may nangyaring kaguluhan sa isang restobar na pag-aari yata ni ‘kumag’ at ang mga sangkot sa trouble na iyon ay isang magsyota at isang lalaking bastos at presko na pare-parehong taga-City Hall din.

Aba mantakin ninyo, napasugod si armalite ehek! Si opsiyal doon sa presintong pinagdalhan sa tatlong sangkot at dito pinakawalan niya ang mga mura sa babaeng nabastos at biktima sa pangyayari.

Ganito ba naman ang sinabi, “Ikaw babae Pu@&#! ina mo! at Hin@#$&T ka!”

Ganyan, ganyan daw ang pagkakabanat nito.

Anak ng sampung demonyo, abnoy ka ba sir?!

Babae mumurahin mo at papatulan?! Kundi ka ba naman taran…tarantula e!

Ang problema, matapos putakan ni opisyal ‘yung bebot, nalaman niya ilang araw na talagang nabastos pala si bebot at gusto na siyang idemanda noong araw na iyon.  

Hak hak hak hak hak!

Entra nang entra kasi nang wala sa lugar e.

Bukod diyan, talaga raw ubod nang daldal nitong si opisyal at ang tinis-tinis pa ng boses na para bang boses ng isang palengkera, mabibingi ka talaga, promise!

Matindi ha, parang palengkera talaga?!

Sa totoong lang daw, kapag nagsasalita si sir sa City Hall nabubulabog ang mga tao sa paligid niya kasi parang puwit ng manok ang bunganga!

Inang ko po!

Wahahahahahaha!

Marami rin media ang tinatabangan kay sir. Oo, matabang ang pakikitungo nila sa kanya dahil akala mo kung sinong makautos sa press releases na gusto niyang ipalabas.

Meganun?!

Ah may kayabangan din pala!

Bwahahahahahaha!

Kahit naman ako matatabangan sa ginagawa mo boss tsip!

Harharharharhar!

Kilalanin kung sino si opisyal na PAK NA PAK kung magmura!

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *