Thursday , June 4 2026

Matteo Guidicelli at Paolo Contis, nagkasakitan sa Tupang Ligaw

012016 Matteo Guidicelli Paolo Contis

00 Alam mo na NonieIBANG klaseng action movie ang mapapanood sa pelikulang Tupang Ligaw ng BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Showing na ang pelikula sa February 17 na tinatampukan nina Matteo Guidicelli, Paolo Contis, Ara Mina, Rico Barrera, Suzette Ranillo, Johnny Regana, at iba pa.

Ayon kay Matteo, pinaghandaan niya nang sobra ang mga action scene niya sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Rod Santiago.

“I trained hard for this movie, pero enjoy ako. I love doing stunts. I love jumping and doing crazy things, pinaghandaan talaga namin itong lahat. Maraming takbuhan dito, very physical talaga itong film,” saad ni Matteo.

Idinagdag ng Kapamilya actor na dream talaga niyang sumabak sa action movie. ”Pangarap ko talagang magkaroon ng action movie, kumbaga sa mga fight scenes sa mga ganyan ay very hands-on ako sa mga ipinagagawa sa akin, alam mo ‘yon?

“Hindi typical na fight scenes ang ipinagagawa na kapag nasuntok ay OA ang reaction. I want to make it na authentic talaga ‘yung action scenes.

012016 Matteo guidicelli baby go  tupang ligaw

“Kasi ang mga consultant namin ay trabaho talaga nila ito in real life, ex-CIA agent siya, e.  So, sobrang experience sila at credible pagdating sa ganitong mga bagay.”

Sinabi rin ni Matteo na talagang nagkasakitan sila ni Paolo Contis sa kanilang matinding action scene.

“Half Italian si Paolo, ‘yung fight scene namin ni Paolo, kaming dalawa mismo ang gumawa, e. So, open minded siya talaga bilang artist, ayos siyang katrabaho.

“May mga times na nagkasakitan talaga kami, like ‘yung na-armbar niya ako, tapos ay tumayo ako at pagbuhat dapat ay cut na. Nagkamli ako na sa sobrang bigat nabagsak ko siya at nasaktan ang buong likod niya.

“Iyong fight scene namin ni Paolo Contis, i-yong sa totoo, noong nag-shoot kami, mga 20 minutes dire-diretso ‘yun, bugbugan kaming da-lawa. Pero sa screen I think it’s short, cut already, pero iyong original sobrang haba. Nagbugbugan talaga kami, as in tirahan ‘yun, pasa-pasa kami the next day.

“All the different stunts here, tumbling, jumping and all that stuff, lahat iyon challenge, but its all fun.”

Sa Tupang Ligaw ay hindi lamang sa aksiyon nagpakitang gilas si Matteo, si-guradong mapapansin rin ang husay niya sa drama. Pinaiyak niya ang mga staff sa eksena na napaluha siya sa galit habang nasa harap ng puntod ng kanyang kapatid at doon sa eksena na ipinagtapat niya sa kanya ina (Suzette) na patay na ang kanyang kapatid na hinahanap. May napatunayan na naman si Matteo dahil itinanghal siyang  Best Actor sa Cinema One Original fil na Saturday Night Chills noong 2013. Bilib na bilib ang Executive Producer ng BG Productions na si Ms. Baby sa professionalism at talento ni Matteo sa Tupang Ligaw, bukod sa pareho silang Bisaya. Dahil dito ay pinaplano na ang isang Visayan movie na gagawin sa Cebu mismo, ang hometown ni Matteo, kaya kaabang-abang ito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …