Thursday , June 25 2026

Marion, in demand sa shows sa abroad!

012016 Marion aunor

00 Alam mo na NonieTAPOS ng matagumpay na show ni Marion sa US at Canada, nakatakda siyang mag-show ulit sa abroad very soon, this time ay sa Europe naman. May nakatakda siyang show sa Germany sa May samantala under negotiations pa ang isa pang show, na sa London naman.

Ayon kay Marion, masaya siya sa naging pagtanggap ng audience sa huling show niya sa abroad. “Successful naman po yung shows sa US and Canada. Super jetlag and travel, pero worth it naman po dahil very warm yung welcome namin in each city,” nakangiting pahayag ng talented na singer/composer.

Ibinalita rin ni Marion na ang Free Fall Into Love na carrier single ng self-titled latest album niya ay gagamitin ng ABS CBN. “Then, gagamitin po ng ABS CBN ‘yung single ko na Free Fall Into Love para sa #febibigwins na TV plugs nila starting this January.” Naikuwento rin ni Marion ang iba pang balita ukol sa kanya. “Then ‘yung music video na shinoot ko sa New York para sa song na sinulat ni Ashley, ‘yung Ako Siguro. Plus, no-minated po ako for three awards sa Wish 107.5 Music Awards na gaganapin sa Araneta on January 26 for: Best wishclusive Performance by a Female Artist category, Wish Original Song of the Year and Wish Female Artist of the Year.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …