Wednesday , August 10 2022

2-0 asam ng Alaska

011916 PBA SMB Alaska santos abueva
SASAMANTALAHIN ng Alaska Milk ang pagkawala ni June Mar Fajardo at sisikaping maibulsa ang ikalawang panalo kontra San Miguel Beer sa Game Two ng PBA Philippine Cup best-of-seven championship series mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Napanalunan ng Aces ang series opener, 100-91 noong Linggo matapos na mablangko ang Beermen sa huling 1:57 at gumawa ng 9-0 remate.

Bagama’t hindi nakapaglaro ang reigning Most Valuable Player ay nagawa ng San Miguel na umabante ng 12 puntos, 78-66 nang simulan ni Yancy de Ocampo ang fourth quarter sa pamamagitan ng isang three-point shot.

Pero hindi napanatili ng Beermen ang intensity. Humigpit ang depensa ng Aces sa fourth quarter at pinuwersa ang Beermen sa pitong turnovers.

Huling nagtabla ang score, 91-all sa three-pointer ni Alex Cabagnot.  Pero  nanahimik na ang Beermen mula roon.

Gumawa ng reverse lay-up si Vic Manuel, nagpakawala ng three-pointer si JVee Casio at tig-isang baskets sina Chris Banchero at  Baguio upang tapusin ng Aces ang Beermen.

“We really don’t know when Fajardo will be back. San Miguel is silent about that. I would be too if my player is injured,”ani Alaska Milk coach Aex compton na naghahangad na mapanalunan ang kanyang kaunaunahang kampeobato sa PBA.

Si Fajardo ay nagtamo ng knee injury sa Game Six ng semis laban sa Rain  or Shine. Magkakaiba ang reports hinggil sa kanyang sitwasyon. Ayon kay team manager Gevacio Abadilla ay walang problema ang tuhod at nabugbog lang. Pinagpapahinga lang ito ng Beermen.

Ayon sa ilang  Miguel Beer insiders ay ubrang bumalik si Fajardo sa laro para sa Game Two subalit mas malamang na sa GaMe Three na magamit.

Magkaganito man, ipinapangako ni coach Leovino Austria na pipilitin ng Beermen na maitabla ang serye dahil ayaw nilang mabaon nang  husto sa pagbabalik ni Fajardo.

Inaasahan ni Austria na makakabawi si Arwind Santos sa masagwang performance sa Game One kung saan nalimita siya sa apat na puntos at nag-foul out pa.

Makakatuwang ni Santos sina Marcio Lassiter, Chris Ross, Chris Lutz at Ronald Tubid.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

Leave a Reply