Friday , August 12 2022

General Dionisio Santiago, tututukan ang suliranin sa droga ‘pag naging senador

011116 General Dionisio Santiago

00 Alam mo na NonieMAKULAY ang life story ni retired General Dionisio Santiago. Maganda at mabrilyo ang service record niya. Nag-graduate siya sa PMA noong 1970 at nagserbisyo siya sa military ng higit sa tatlong dekada. Tapos magretiro sa militar ay patuloy pa rin siyang nagserbisyo sa bayan.

Kung isasapelikula raw ang life story niya, okay na gumanap sa kanyang katauhan si Eddie Garcia at younger version naman niya si Derek Ramsay. Dating PDEA chief at director ng Bureau of Corrections si General Santiago. Ngayon ay kumakandidato siyang senador sa darating na May 2016 elections. Numero unong plataporma niya ang pagsupugpo sa problema ng droga sa bansa.

“When I was the chief of PDEA, bumaba na ang percentage ng ilegal na droga sa bansa. Pero ngayon, hindi lang dumoble, talagang talamak na. It is no longer abnormally high, parang naging norm na!” Saad ni General Santiago.

Ayon pa kay General Santiago, mahalaga ang papel ng pamilya sa pagsugpo ng suliranin sa droga. “Magsisimula ang lahat ng yan sa pamilya. Marami na akong nakausap na drug addicts na ang root cause ng addiction nila ay dahil kulang sila sa pagmamahal at aruga ng pamilya nila. May mayayaman na akala mo ang ayos nang pamilya, pero may mga anak sila na drug addicts. Bakit? Wala na kasi silang oras sa mga ito para man lang ma-check hindi lang yung materyal na pangangailangan nila, pati na rin yung emotional.

“Kulang sa pagmamahal ang karamihan sa mga nagdodroga. Mahirap din yung minsan e sobra-sobra ang naibibigay nating pera sa mga anak natin, tapos kulang sa guidance naman. Nandiyan din ang peer pressure. Napapasama sa mga masasamang barkada. Pinatikim ng isa, hindi na napigilan.“I strongly believe lahat ng mga masasamang nangyayari can be prevented kung magsisimula tayo sa pamilya natin. At ang drug addiction ang talagang tututukan natin nang husto kung mabibigyan tayo ng pagkakataon sa senado.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply