Wednesday , August 10 2022

Pops, gustong ma-meet nang personal si Maine na kamukha raw ng Concert Queen

010516 pops fernandez maine mendoza
NATANONG si Pops Fernandez kung ano ang reaction niya sa pagkakahawig niya kay Maine Mendoza.

Very striking kasi ang resemblance ng dalawa and many believe na magkahawig talaga sila physically.

“Acually gusto ko siyang ma-meet. Hindi ko pa siya nami-meet. I think bibihira lang ‘yung…I don’t really follow her, sorry ha but I’m just being honest, pero I keep hearing about AlDub I think it’s a…like I said minsan hindi mo ini-expect pero nangyayari and because of the clamor and the ingay that they create, yes, definitely, I think they even surpassed being a star kasi nga parang napakalaking phenomenon niyong pagkainit ng name nila, ‘di ba.

“Hindi ini-expect tapos lumakas ang ingay at sinundan ng mga tao at sinusundan pa rin ng mga tao tapos ‘yung lahat excited talaga panoorin sila at abangan sila. That’s a different kind of (popularity).

“Kumbaga, instant noise and pagka-star,” say ni Pops sa presscon ng Born To Be A Star where she sits as one of the judges, the three others being Rico Blanco,Aiza Seguerra and Andrew E.

When asked kung flattered siya being compared to Maine, Pops’s answer was,”Siyempre naman. It’s always flattering to be when you are being compared to someone.”

Nang matanong naman siya kung ano ang difference ng Born To Be A Star sa ibang talent search, say ng Concert Queen, ”The difference of ‘Born To Be A Star’ is we’re looking for star quality aside of course from the talent which is siyempre kasali pa rin. Kailangan may over-all star quality. It makes it even more challenging kasi nga mayroon siyang age limit, 13 to 18. Talagang we’re looking for fresh talents who want to be a star.”

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Leave a Reply