Saturday , February 4 2023

Haunted Mansion, ratsada rin sa mga provincial theater

112515 haunted house janella

00 SHOWBIZ ms mRUMATSADA agad sa takilya noong opening day ang Regal Entertaiment MMFFentry na Haunted Mansion. Mahigit P10-M ang hinamig nito sa box office kaya naman pasok siya sa Top 3 entries na dinaragsa ng manonood sa taunang festival.

Dehado ang dating ng HM nang i-announce na isa ito sa walong napiling entries. Wala pa kasing pruweba sa takilya ang lead teen stars na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce. Pero naniniwala ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa kakayahan nilang magdala ng pelikula at hindi sila nagkamali sa pagsusugal na bigyan ng break sa big screen ang tatlo sa promising stars ngayon.

Of course, pinili ng mag-ina ang premyadong director na si Jun Lana na siyang magdirehe ng horror movie. Panalo ang pagkakagawa ni Lana ng pelikula kaya naman matindi ang hatid na takot ng movie, kaya palakpakan ang manonood after ng screening!

Kitang-kita rin naman kasing ginatusan ng Regal ang HM. Mabagsik din ang krebidilidad ng istorya nito kaya naman tunay an screamfest ang maririnig sa loob ng bawat sinehan!

Bilang mensahe ni Mother Lily sa buhos na suporta ng publiko sa  Haunted Mansion, sinabi niyang, ”Thank you for supporting Regal and I am very happy to gross P10-M plus. Me and Roselle plus the whole team try our very best to make this picture successful and considering our cast of stars who are all new but we try to make this new stars fulfill their goals in life.”

Sa lakas sa takilya ng HM, mula sa 48 cinemas at ilan sa probinsiya, nadagdagan na ito simula noong third day ng MMFF. Isinalang na rin ang horror movie sa mga sinehan ng SM Tarlac, Baguio, Sta. Rosa, Lucena, Batangas,  Waltermart Tanauan, Sta.Lucia,  Robinson’s Iloilo, Dasmarinas, at Bacolod.

Patuloy na tuklasin ang hiwaga sa loob ng Haunted Mansion sa natitirang araw ng festival at tiyak sulit na sulit ang inyong ibabayad!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply