This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAGTANGKANG magpakamatay ang isang 20-anyos babae sa pamamagitan ng pagtalon mula sa tinitirhan niyang condominium sa Pasay City kahapon.
Kasalukuyang ginagamot sa Saint Claire Hospital sa Makati City ang biktimang itinago sa pangalang Amy, ng 22nd floor, La Vertti Condominium sa Donada St., Brgy. 35, Pasay City.
Base sa ulat na nakara-ting kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, dakong 9 a.m. nang mangyari ang insidente sa roof deck ng condominium.
Napag-alaman, habang nasa roof deck ang biktima at nagtatangka nang tumalon ay agad siyang nakita ng mga residente kaya agad ipagbigay-alam sa tanggapan ng Police Community Precint (PCP-2) ng Pasay City Police at sa Barangay 35 ng naturang lungsod.
Dahil sa pakiusap ng mga awtoridad, kumalma ang biktima at hindi na itinuloy ang tangkang pagpapakamatay.
Agad dinala ng mga awtoridad sa naturang pagamutan ang biktima at sumailalim na sa medical treatment.
Napag-alaman sa mga kamag-anak, pangalawang beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktma.
Ayon sa pulisya, pagka-bigo sa pag-ibig ang isa sa mga dahilan nang tangkang pagpapatiwakal ng biktima.