Monday , August 15 2022

Maraming salamat po sa pagkilala QCPD Chief Gen. Edgardo Tinio!

00 Bulabugin jerry yap jsyBILANG mamamahayag natutuwa po kami na kinikilala ng mga awtoridad ang naiaambag naming pagbabalita sa kanilang accomplishments and vice versa.

Sa totoo lang po, ang police beat ay hasaan ng mga mamamahayag kung paano patatalasin ang kanilang kakayahan at kasanayan na makakalap ng detalye para makabuo ng isang istorya.

Kumbaga, ang police beat ay baptism of fire para sa mga mamamahayag.

Puwedeng mula rito ay malipat sila sa iba pang beat na mas mabigat.

Gaya ng NBI (National Bureau of Investigation) beat at political beat na ang tanging panghahawakan lamang  bilang source ng balita ay interbyu. At base sa interbyu saka palang susudsurin ang mga  dokumentong magpapatibay rito. O ibang source na magpapatunay.

Kaya naman kung natutuwa ang mga awtoridad gaya ng Quezon City Police District  (QCPD) sa pamumuno ni Gen. Edgardo Tinio sa ibinibigay naming pansin at espasyo sa kanilang accomplishments ay ganoon din po kami.

Maraming-maraming salamat po sa pagkilala Gen. Tinio!

Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagsuporta sa mga katoto natin sa QCPD Press Corps na pinamumunuan ng aming masipag na reporter/columnist na si Almar Danguilan.

Maaaring kung minsan ay may hindi pagkakaunawan ang PNP at media (hindi po ito sa QCPD) pero sa maayos at mabuting pag-uusap ay nareresolba ito.

Mayroon naman diyan, dahil masyadong mataas ang ‘ego’ at ‘pride’ ‘e nang-aasunto pa (again, hindi po ito sa QCPD).

Ibig ko pong sabihin, IBA TALAGA ‘yung QCPD!

Malalaki ang accomplishments lalo na sa kanilang anti-illegal drug campaign pero kahit kailan ay hindi lumaki ang ulo

Muli, maraming salamat po Gen. Tinio and congratulations sa malalaking accomplishments…

Saludo po kami sa inyo!

Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes umeepal sa kaso ni Grace Poe (Look who’s talking?! )

Kumbaga sa estudyanteng bulakbol, itong si Sixto Brillantes, ang dating Chairman ng Commission on Elections (Comelec) ay isa palang ‘MANGONGOPYA.’

Aba ‘e mantakin ninyong kopyahin ang argumento namin noong nakaraang eleksiyon (2013) nang lumahok ang ALAB NG MAMAMAHAYAG (ALAM) sa party-list election.

Hindi kasi malaman noon ng 3-M division at ni  ex-chairman Sixtong kung paano ilalaglag ang ALAM, sa sulsol ng kanyang mga sulsoltants (na gaya niya ay naliligo rin sa kamalasan).

Lalo na nang personal na mamataan ng inyong lingkod ang pakikipagpulong ng 3-M division sa isang dating speaker na tumatakbo ang anak bilang kongresista.

Umabot nga sa Supreme Court ang aming asunto hanggang paboran kami na isama ang ALAM sa balota.

Pero sa laki ng insekyuridad ay BLANKO ang numero 34 sa talaan ng mga party-list sa balota.

Ngayon, ang argumentong ito ang ginagaya ni Brillantes sa kaso ni Sen. Grace Poe.

Gusto niyang isama na ang pangalan ni Sen. Grace sa balota kahit may isyu pa sa kandidatura nito pero binigo sila ng Comelec 1st Division sa botong 2-1.

O hindi ba’t maliwanag na pangongopya ‘yan, Mr. Brillantres!

Bulakbol ka rin talaga!

Anyway, may ilan pang pag-asa si Sen. Grace, ang Comelec En Banc at ang Supreme Court…

Pero palagay natin ‘e dapat na niyang ipagpag si Brillantes sa kanyang tabi— mukhang sa kanya bumubukal ang sandamakmak na kamalasan ni Sen. Grace.

Tsugihin mo na ‘yan, Sen. Grace!

Galit sa ‘delihensiya unit’ ng MPD

KA JERRY, ano ba talaga ang papel ng ‘delihensiya’ unit diyan sa MPD? Ang hinuhuli mga pipitsuging tong-its sa eskinita pero ‘yung big time bookies, video karera, jueteng, pergalan operators ay nganga sila!

Nakahihiya kahit kapwa pulis ko! Puro intelihensiya walang output! +63915396 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Live selling sa Facebook bawal na!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIMULA sa 1Oktubre ng taong kasalukuyan, aalisin na at …

Sipat Mat Vicencio

Si FPJ at ‘Ang Probinsyano’

SIPATni Mat Vicencio SA DARATING na Sabado, Agosto 20, ipagdiriwang ang ika-83 birth anniversary ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Leave a Reply