This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BILANG mamamahayag natutuwa po kami na kinikilala ng mga awtoridad ang naiaambag naming pagbabalita sa kanilang accomplishments and vice versa.
Sa totoo lang po, ang police beat ay hasaan ng mga mamamahayag kung paano patatalasin ang kanilang kakayahan at kasanayan na makakalap ng detalye para makabuo ng isang istorya.
Kumbaga, ang police beat ay baptism of fire para sa mga mamamahayag.
Puwedeng mula rito ay malipat sila sa iba pang beat na mas mabigat.
Gaya ng NBI (National Bureau of Investigation) beat at political beat na ang tanging panghahawakan lamang bilang source ng balita ay interbyu. At base sa interbyu saka palang susudsurin ang mga dokumentong magpapatibay rito. O ibang source na magpapatunay.
Kaya naman kung natutuwa ang mga awtoridad gaya ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Gen. Edgardo Tinio sa ibinibigay naming pansin at espasyo sa kanilang accomplishments ay ganoon din po kami.
Maraming-maraming salamat po sa pagkilala Gen. Tinio!
Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagsuporta sa mga katoto natin sa QCPD Press Corps na pinamumunuan ng aming masipag na reporter/columnist na si Almar Danguilan.
Maaaring kung minsan ay may hindi pagkakaunawan ang PNP at media (hindi po ito sa QCPD) pero sa maayos at mabuting pag-uusap ay nareresolba ito.
Mayroon naman diyan, dahil masyadong mataas ang ‘ego’ at ‘pride’ ‘e nang-aasunto pa (again, hindi po ito sa QCPD).
Ibig ko pong sabihin, IBA TALAGA ‘yung QCPD!
Malalaki ang accomplishments lalo na sa kanilang anti-illegal drug campaign pero kahit kailan ay hindi lumaki ang ulo
Muli, maraming salamat po Gen. Tinio and congratulations sa malalaking accomplishments…
Saludo po kami sa inyo!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com