Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes umeepal sa kaso ni Grace Poe (Look who’s talking?! )

120614 comelec brillantes Supreme CourtKumbaga sa estudyanteng bulakbol, itong si Sixto Brillantes, ang dating Chairman ng Commission on Elections (Comelec) ay isa palang ‘MANGONGOPYA.’

Aba ‘e mantakin ninyong kopyahin ang argumento namin noong nakaraang eleksiyon (2013) nang lumahok ang ALAB NG MAMAMAHAYAG (ALAM) sa party-list election.

Hindi kasi malaman noon ng 3-M division at ni  ex-chairman Sixtong kung paano ilalaglag ang ALAM, sa sulsol ng kanyang mga sulsoltants (na gaya niya ay naliligo rin sa kamalasan).

Lalo na nang personal na mamataan ng inyong lingkod ang pakikipagpulong ng 3-M division sa isang dating speaker na tumatakbo ang anak bilang kongresista.

Umabot nga sa Supreme Court ang aming asunto hanggang paboran kami na isama ang ALAM sa balota.

Pero sa laki ng insekyuridad ay BLANKO ang numero 34 sa talaan ng mga party-list sa balota.

Ngayon, ang argumentong ito ang ginagaya ni Brillantes sa kaso ni Sen. Grace Poe.

Gusto niyang isama na ang pangalan ni Sen. Grace sa balota kahit may isyu pa sa kandidatura nito pero binigo sila ng Comelec 1st Division sa botong 2-1.

O hindi ba’t maliwanag na pangongopya ‘yan, Mr. Brillantres!

Bulakbol ka rin talaga!

Anyway, may ilan pang pag-asa si Sen. Grace, ang Comelec En Banc at ang Supreme Court…

Pero palagay natin ‘e dapat na niyang ipagpag si Brillantes sa kanyang tabi— mukhang sa kanya bumubukal ang sandamakmak na kamalasan ni Sen. Grace.

Tsugihin mo na ‘yan, Sen. Grace!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com