Saturday , July 27 2024

Miles, malaki ang pasalamat sa Dreamscape Entertainment

120915 miles ocampo
SINA Julia Barretto at Miles Ocampo ang mga bida sa And I Love You So.

Aminado ang dalawa na hindi sila close noon pero ngayong  araw-araw silang magkasama sa taping ay nagiging super close na sila.

Minsan pa nga raw, habang take, bigla na raw silang natatawang dalawa.

Pero kapag seryoso na ang eksena lalo na kapag nag-aaway na sila (magkalaban sila rito ) todo bigay naman ang kanilang akting.

Malaki ang pasasalamat ni Miles sa Dreamscape Entertainment Television dahil ito raw ang kanyang unang teleserye na bida/kontrabida. Her biggest role so far.

Sinasabi nga na sina Julia at Miles na ang makabagong ClaudineBarretto at Judy Ann Santos.

Powerhouse ang cast ng And I Love You So. First teleserye rin ito ni Inigo Pascual (anak ni Piolo Pascual ) at kasama rin sina Luke Jickain, Dimples Romana, Angel Aquino, Dante Rivero, Francis Magundayao, Kenzo  Gutierrez, Jay Manalo, Nikki Valdez at marami pang iba.

Magsisimula na ang And I Love You So sa December 7.

Si Angeline Quinto ang kumanta ng themesong at maganda ang version niya sa nasabing kanta.

Samantala, sa presscon ng And I Love You So noong isang araw aynagbuwena-mano ang cast sa pagbibigay ng pa-raffle for the press.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *