Wednesday , August 10 2022

Mar at Korina nagdiwang ng Christmas thanksgiving get-together kasama ang press

110415 mar roxas korina sanchez
NAGBIGAY ng isang simpleng thanksgiving Christmas party si Mar Roxasat asawa nitong si Korina Sanchez-Roxas para sa mga miyembro ng entertainment press sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City.

Nakatutuwang makita ang lighter at fun side nina Mar at Korina na sa loob ng maraming taon, kilala si Mar bilang isa sa pinakamarangal at hard-working na public servants ng bansa habang si Korina naman ay sumikat bilang isang hard-hitting broadcast journalist. Kaya magandang sorpresa sa press na makitang nag-eenjoy sina Mar at Korina na kasama sila sa selebrasyon ng Pasko.

Hindi napag-uspan ang politika sa salo-salo at pinasamalatan nina Mar at Korina ang press para sa ilang taong pagmamahal at suportang ibinigay sa kanila. Siyempre enjoy din ang press sa mga fun game na inihanda nina Mar at Korina para sa kanila. Ang highlight ng gabi ay ang mga impromptu performances mula kina Mar at Korina. Nagbigay muna si Mar ng maikling Christmas message at nagpasalamat sa pagmamahal sa mga miyembro ng entertainment at sa Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde. Pagkaraan, ay sinorpresa niya ang mga bisita ng isang impromptu song number at kinanta niya ang To Love Somebody ng Bee Gees kasama ang mga Congressmen at mga dating aktor na sina Dan Fernandez at Alfred Vargas. Maging si Korina ay game na pinagbigyan ang request ng press na umawit din on the spot, matapos ang cute na performance ni Mar. Kinanta ni Korina ang OPM classic na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

Nagkaroon din ng ‘di malilimutan at masayang gabi sina Mar, Korina, at mga press, na isang magandang bagay pa sa kanila dahil minsan lang silang mag-enjoy dahil sa kanilang busy at very hectic na schedules. Natapos ang gabi sa isang energy-packed rockkaoke sing-off contest para sa press.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Leave a Reply