Ang Zodiac Mo (December 10, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa kalagayan ng iyong kalusugan.

Taurus (May 13-June 21) Kung nagdadalawang-isip ka sa iyong desisyon, ipagpaliban muna ito.

Gemini (June 21-July 20) Ang posibilidad na may maganap na malaking pagbabago sa career o pamilya, ay lumalakas.

Cancer (July 20-Aug. 10) Madedesmaya sa hindi matinong gagawin ng mga taong iyong hinahangaan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Bagama’t ikaw ay magpapakita ng kagandahang-asal, maaaring maka-enkwentro ng bastos na tao.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Sa ano mang partnership, mainam na ikaw ang tumanggap ng responsibilidad, dahil posibleng mapuwersa ka ring gawin ito.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Iwasan ang paggamit ng kung ano-anong medikasyon o sumailalim sa agad na operasyon. Humingi ng 2nd opinyon sa ibang doctor.

Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring sorpresahin ka ng iyong anak o partner na iyong ikawiwindang.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Hindi ito magiging mainam na araw, ang mga plano ay posibleng hindi matuloy.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Bagama’t magkakaroon ng gulo sa grupo, sisikapin mo pa ring maging kalmado.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Magtipid kung kailangan upang hindi kapusin sa budget o sa hindi inaasahang pagkakagastusan.

Pisces (March 11-April 18) Posibleng hindi mo sundin ang ilang alituntunin at gagawin mo kung ano ang iyong gusto.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magkakaroon nang hindi inaasahang pangyayari sa trabaho o sa pamilya.

ni Lady Dee