Monday , May 13 2024

All I need is Xian — Kim

022715 kim chiu xian lim

00 SHOWBIZ ms mKUNG susuriin at pagbabasehan ang sinabi ni Kim Chiu, na ”all I need is Xian,” tila puwede mong sabihing nagkakamabutihan na nga sila ni Xian Lim. Pero, agad nilinaw ng aktres na isa sa bida ng All You Need Is Pag-Ibig, Star Cinema’s entry to 2015 Metro Manila Film Festival, na ikinakabit lamang niya iyon sa  title ng kanilang pelikula.

Tila naglalambing si Kim sa kanyang leading man at sinabing masaya sila sa isa’t isa. ”Masaya po siya sa akin at nasisiyahan din naman po ako sa kanya,” tugon pa ni Kim.

Kahit ano namang piga ang gawin ng entertainment press ukol sa kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, wala pa ring malinaw na sago tang dalawa. Ang sabi lamang ni Xian, hindi nagbabago ang pagtingin niya sa dalaga. Bagkus lalo pa itong nadaragdagan. Kumbaga, yumayabong ang pagmamahal niya kay Kim.

Ang All You Need Is Pag-ibig ay isang heartwarming at romantic na pelikula para sa buong pamilya at ito ay isinulat at idinirehe ni Antoinette Jadaone, kasama si Yoshe Dimen bilang co-writer. Mapapanood ito sa Disyembre 25.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Mahal Kita

KathDen nagpakilig sa ‘Mahal Kita’ twinning shirt

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na …

Blind item gay male man

Male starlet pinag-aagawan ng dalawang director

ni Ed de Leon AY naku si Direk may iba na naman palang ilusyon ngayon. Eh matindi …

Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden ayaw nang kalkalin relasyon kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NGAYON tuwiran nang sinasabi ni Alden Richards na kung ano man ang namamagitan …

Liza Soberano

Liza Soberano ‘nagpasilip’ ng katawan

HATAWANni Ed de Leon MARAMI ang nagulat nang maglabas sa kanyang social media account ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *