Monday , August 8 2022

Thanks but no thanks Sen. Chiz (Your offer is good but I can’t accept it)

021615 chiz heartNITONG nakaraang araw, parang bigla yata tayong naalala ni Senator Francis “Chiz” Escudero.

Mayroon kasing lumapit sa inyong lingkod, nag-o-offer ng weekly column feed kapalit ng P5,000.

Bale P20,000 a month.

Puro PR lang para kay Chiz daw.

Aba, mukhang maraming datung ngayon ang media operator ni Senator Chiz. Nakalikom na siguro sila ng sapat na pondo.

Doon sa tumulay, magalang ko naman siyang tinanggihan.

Idagdag n’yo na lang sa pondo ninyo sa kampanya ‘yung budget na ini-o-offer ninyo sa akin.

Actually p’wede namang wala.

Noong tumakbo nga siyang Senador ay sinuportahan at ikinampanya ng inyong lingkod si Chiz nang todo.

Gratis lang po ‘yan.

Hindi po natin siya siningil ni singko sa ginawa nating pagpapapogi at pagtulong sa kanya.

Kahit na nga, hirap na hirap akong kapain kung ano ang magagandang bagay na nagawa niya para sa bansa at sa sambayanan.

Pero kakaiba pala ang kostumbre ni Chiz. Minsan kaming nagkasalubong sa isang event ‘e parang hindi na niya tayo nakilala.

By the way, ano nga ba ang naging accomplishment ni Chiz sa Senado?!

‘Yung magpakasal sila ni Heart at tumula-tula kapang nasa speaking engagement?!

Pasensiya na talaga. Wala talaga akong maalala na nagawa mo para sa bayan.

Baka pwede n’yo akong padalhan ng mga batas na naipasa n’yo gaya ng kay Sen. Sonny Trillianes.

Inuulit ko, itabi ninyo ang pera ninyo at idagdag na lang sa inyong kampanya.

Again, thanks, but no thanks Chiz.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply