Sunday , August 14 2022

Vhong, may bodyguard ‘pag lumalabas

110515 vhong navarro
KAPANSIN-PANSING may dalawang  bodyguards si Vhong  Navarro na umaali-aligid sa kasagsagan ng presscon ng BuyNow, Die Later. Nandiyan  pa rin ang takot niya pagkatapos  ng nangyari sa kanila sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Mas maige na  rin  daw ‘yung  nag-iingat.

“Kasi alam naman natin ang panahon ngayon, hindi natin alam, ang tao ngayon, ‘pag pinapatay, parang ipis na lang, eh, di ba? Mahirap, eh,” deklara niya.

Hindi pa rin natatapos ang kaso nila ni Lee at grupo nito na matatandaang itinuro niyang nambugbog  umano sa kanya.

Tinanong si Vhong kung ready na ba siyang makipag-areglo?

”Hindi po ako makikipag-ayos,” diretso niyang sagot.

Kaya ba niyang magpatawad?

”Sa ngayon kasi, ang hirap magpatawad na ikaw pa ang binabaliktad. Paano mo patatawarin ang isang tao kung ikaw pa ang binabaliktad, ikaw pa ang masama? Kaya ko naman sila patawarin kung hindi nila pinalalabas na ako pa ang masama,” sambit niya.

Tungkol naman sa It’s Showtime wala siyang update kung totoong sisibakin ito sa February.

“Sa amin, wala naman pong sinasabing ganoon. Kami po kasi, pumapasok kami para makapagpasaya ng tao, ibinibigay lang po namin kung ano po ‘yung kailangan sa amin ng solid Showtimers o ‘yung mga nasa bahay na nanonood, binibigay lang po namin ang best namin. Sumusunod lang po kami sa pinagagawa sa amin.

“Pero ‘yung sinasabi nilang hanggang Feb, ako po, hindi ko pa po naririnig, honestly. Kung sakali na hanggang Feb. huwag naman po. Kasi ang tagal na rin, eh, seven years ongoing, basta nandito lang naman kami, kung anong kailangan naming gawin para madagdagan or magbigay-saya,” bulalas niya.

Anyway, focus muna siya sa horror-comedy  movie niyang Die Now, Pay Later na prodyus ng  Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Film Production, at Buchi Boy Films.

Kasama rin ni Vhong dito sina Alex Gonzaga, John Lapus, Rayver Cruz, Lotlot de Leon, Janine Gutierrez, at TJ Trinidad mula sa direksiyon ni Randoplh Longias.

Havey!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply