Thursday , June 4 2026

Baby Go ng BG Productions, mapagmahal sa sining!

112015 Baby Go paintings

00 Alam mo na NonieSADYANG mapagmahal sa sining ang lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go. Kamakailan ay itinampok siya sa isang painting session ng grupong Bicol Expression Artists Association. Nauna rito, naging special guest speaker din si Ms. Baby sa 79th anniversary ng NBI.

Paano nabuo ang painting session na ito? “Nagsimula ito dahil kay Ms. Ligaya ng NBI. Bale, after nitong painting session, posibleng i-exibit ito at yung kikitain, itutulong o ido-donate sa charity.

“Masaya ako na ginawa ito, first time ko ito, pero ang mas okay dito ay may matutulungan sa kawanggawa ang project na ito. Part ito ng pagsuporta ko rin sa art and bilang businesswoman, investment din ito na puwede ibenta in the future.”

Kabilang sa collection niya ng paintings ang kina Amorsolo at Malang. Magkano ang halaga ng pinakamahal niyang painting?

“Iyong kay Amorsolo binibili iyong painting ko ng P3 milyon, pero noon pa iyon, matagal na iyon. Marami akong nabiling paintings kay Mr. Romeo Lindain. Ako rin ang unang humingi sa kanya ng certificate sa mga binili kong paintings, para authentic talaga. Siguro, yung collection ko ng paintings, almost P10 million.”

Sinabi rin ni Ms. Baby na pangarap niyang magkaroon ng sariling art gallery at sinehan sa hinaharap. “Wala naman akong balak na ibenta ang paintings ko, lalo na yung Amorsolo at Malang. Kasi, who knows, magkaroon ako ng sariling gallery? O kaya, magkaroon ako ng sariling cinema at doon ko ilalagay ang mga collection ko. Iyan ang pangarap ko, dream ko talaga iyan. Na magkaroon ng sinehan, tapos sa lobby ay may art gallery na magdi-display ng mga paintings.”

Sa ngayon, ang mga pelikulang natapos na ni Ms. Baby at naghihintay ng playdate ay ang Child Haus, Sekyu, Iadya Mo Kami, Laut, at Tupang Ligaw. Nakatakda na rin nilang simulan ang Balatkayo, An OFW Story, Nuclear Family, at Tres Marias.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …