Thursday , June 4 2026

Kyla, kinailangang mag-voice lesson (Bilang paghahanda sa Kyla: Flying High concert)

111215 kyla concert

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Kyla na dahil sa maraming nangyari sa kanyang buhay tulad ng pagpapakasal at pagkakaroon ng anak, nag-iba ang priorities niya sa buhay. Kaya naman ngayon lamang siya muling matutunghayan ng kanyang fans, sa pamamagitan ng kanyang My Very Best Kyla album at sa Kyla: Flying High (The 15th Anniversary Concert).

“Bale two years old na ang baby namin, tapos maraming change sa buhay. Kaya after 10 years, ngayon lang ako magko-concert,” ani Kyla na mapapanood sa November 20, 8:00 p.m. sa Kia Theater, ARaneta Center ang Kyla: Flying High.

Ani Kyla, kinailangan niyang mag-voice lesson muli dahil sa tagal ng hindi pagkanta. ”You can never too confident kasi feeling ko I have…kaya talagang nag-voice lesson pa ako.

“Hindi naman po sa nabago ang boses ko kaya lang, sa tagal  po ng hindi ko pagkanta o kapag kumakanta ako sa mga event, 2-3 songs or the most apat lang. Ngayon lang uli ako kakanta at 20 songs pa. Feeling ko kailangan ko talagang mag-aral ng techniques para hindi mahirapan, ‘yung tamang breathing lalo pa’t may sayaw-sayaw ako rito sa concert ko,”paliwanag pa ni Kyla.

Sinabi pa ni Kyla na dahil sa tagal ng hindi niya paglabas at paglipat ng management, kinailangan niyang muling ipakilala ang sarili. ”Marami pa ring tao ang hindi nakakakilala sa akin. Sobra-sobra ang pressure talaga. I really want to entertain everybody to make sure na masaya sila.”

Ani Kyla, mas mahirap ngayong ipakilala ang sarili kompara noong baguhan pa lamang siya. ”Noong nagsisimula po kasi ako walang pressure na kailangan kong i-please ang mga tao. It’s either they will like you or not. Now, more on sustaining and maintain para magustuhan ka nila.

“Minsan kasi nag-iiba  kasi nga dahil sa marami ng artist na lumalabas at nariyan at maraming talented mas marami silang pagpipilian, kaya mas ang pressure,” giit pa ni Kyla.

Pero nilinaw naman niyang hindi siya nati-threaten sa paglabas ng mga baguhang singer. ”Hindi naman po, It’s more on kumbaga, sinasabi na kung paano mo mapananatiling more relevant sa industry na ito. ’Di ba madaling kalimutan ka na lang…Kung nasaan po ako ngayon ine-enjoy ko na lang. Mas importante ‘yung paano mo mame-maintain itong hanapbuhay natin.”

Samantala, hindi alam ni Kyla kung paano niya mapaninindigan ang bagong taguring ikinabit sa kanya. Mula kasi sa pagiging Princess of R&B, ngayo’y siya na ang Queen of R&B. ”Ie-embrace ko na lang po kung ano ‘yung ibinibigay nila sa akin.”

Sa kabilang banda, special guest ni Kyla sa kanyang Kyla: Flying Highconcert sina Jay R, KZ, at Erik Santos kasama ang G-Force at ito’y ididirehe ni Marvin Caldito at musical direction ni Marc Lopez.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …