This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ITINUTURING ni senatorial candidate Mark Lapid (Koalisyon Daang Matuwid/LP) na “economic saboteurs” o maliwanag na pananabotahe sa ekonomiya ang ginagawa ng mga tao o grupong nasa likod ng tanim-bala scam sa mga paliparan.
Kasunod nito, nanawagan si Lapid sa mga awtoridad at maging sa mga mamamayan na magtulungan na hulihin at parusahan ang mga taong nasa likod ng naturang insidente.
“Ako ay nalulungkot at galit. Nakalulungkot na ang ating bayan, OFWs at turista ay nasasaktan ng mga kriminal. Galit ako sa mga mapagsamantalang elemento, maging sila man ay sindikato o nanamantala lamang upang ipahiya ang ating pamahalaan. What they are doing is economic sabotage, given the tremendous contribution of tourism, our OFWs and airports,” giit ni Lapid.
Ayon kay Lapid, dating general manager/COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), makapagbibigay ng takot at desmaya sa mga turista na nagnanais bumisita ng bansa at daraan sa NAIA, ang mga insidente ng tanim-bala scam.