6 counts libel inihain ng stylist ni Yaya Dub vs fashion blogger

NAGHAIN ng kasong 6 counts online libel kahapon sa Makati City Prosecutor’s Office si Liz Uy, stylist ni Maine “Yaya Dub” Mendoza, laban sa gossip at fashion blogger makaraang ihayag sa social media na ‘recycle’ ang ipinasuot niyang gown sa ‘Dubsmash’ queen.

Kinilala ang kinasuhan ni Uy sa tanggapan ni City Prosecutor Benjamin Vermug, na si Michael Sy Lim.

Sinampahan din ni Uy ng 1 count grave slander si Lim at humihingi ng halagang P11 milyon bilang daños y perjuicios.

Ayon sa reklamo ni Uy, noong nakaraang Oktubre 24, 27 at 29, 2015 nag-post ng malisyosong pahayag sa social media si Lim.

Aniya, sinabi ni Lim, ‘recycle’ ang ipinasuot niyang gown kay Yaya Dub sa nakaraang ‘Tamang Panahong Concert’ ng programang Eat Bulaga na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan noong nakaraang buwan.