Thursday , June 4 2026

GMA 7, co-producer na ng show ni Willie Revillame

032315 willie
MAGANDA ang naging Linggo ni Willie Revillame noong Oktubre 11 sa kanyang programang Wowowin sa GMA 7.

Sa kanyang Facebook page, kinompirma ni Willie na ang GMA ay magiging co-producer na ng kanyang pang-Linggong game show kaya hindi na siya mahihirapan sa pagkuha ng commercials ‘di tulad noong panahong siya ang tanging producer at blocktimer ng estasyon.

Naunang natuwa si Willie nang inilipat ng GMA ang Wowowin sa 2:00 p.m. pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

Inamin noon ni Willie na nahirapan siya oras na 3:00 p.m. dahil patay na oras ito para sa mga manonood at malaki ang kanyang nalugi noon.

Inaasahang lalong darami ang mga guest ni Willie mula sa mga ibang show ng GMA at humingi siya sa network na bigyan siya ng co-host.

Ang pagiging co-producer ng GMA sa Wowowin ay pareho sa set-up ni Willie noong nasa ABS-CBN pa siya.

Umaasa rin ni Willie na lalong tataas ang rating ang Wowowin lalo na’t napapabalitang tinatalo na nito ang ASAP 20 ng Dos.

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …