Thursday , June 4 2026

Bakit walang cold storage warehouse ang BOC?

00 pitik tisoyHANGGANG ngayon ang Bureau of Customs ay walang cold warehouse to do inspection sa mga reefer van para malaman kung walang nahahalong other products na ipinagbabawal tulad ng Peking ducks, black chickens and other exotic products  and fruits.

Naitanong natin ito dahil marami tayong nakikitang Peking ducks and exotic food sa mga expensive Chinese restaurant and hotels. Because of the absent of actual inspection ng mga containers by customs na kadalasan ay close open – bukas at sara lamang ang nangyayari, very sensitive daw kasi ang laman.

Pero may balita na may ismagling din na nangyayari for some shipments na ang point of origin ng kargamento ay kanilang napapalitan into something else lalo na if the shipment ay galing China, and some requirements na wala tulad ng licence to operate at certificate of products registration ay naaayos for a fee.

Medyo matagal-tagal na rin na wala tayong naririnig na may nahuli sa customs, mayroon nga ba?

It’ about time na pagtuunan ng pansin ito ng customs at baka dumating ang panahon na sisihin kayo ng mga legitimate importers at maperhuwisyo tayo sa virus na dulot ng smuggling of meat products.

Take note, karamihan na mga nakikita ninyo sa merkado ay kadalasan na lumalabas umano sa customs ay galing China.

Siguro naman you can validate the issue. Salamat po.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …