Friday , March 29 2024

Yaya Dub makakasama na ni Alden sa Festival movie nina Bossing Vic at Aiai (AlDub Nation pwede nang magbunyi)

091815 aldub vic aiai
DUE to insistent public demand kasama ng AlDub Nation ay pinagbigyan ng Tape Incorporated at APT Entertainment ang kahilingan ng lahat na isama si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa festival movie nina Bossing Vic Sotto at AiAi delas Alas na ang makakapareha siyempre ang kalabtim na si Alden Richards.

Ngayong napagsama ang AlDub love team sa MMFF entry nina Bossing at Ms. Ai ay mas lalo pang umakma ang titulo ng pelikula na “My Pabebe Love.” Ang pamosong si Jose Javier Reyes ang naatasan ng APT Entertainment, MZET at Octo Arts na magdirek ng nasabing project na mapapanood sa December 25 kasabay ng pito pang mga pelikula na part ng Metro Manila Film Festival 2015.

Samantala kahapon ay isineselebreyt pala nina Alden at Yaya Dub ang kanilang 9th weeksary at sa expression ng kanilang mata ay mukhang nagkaka-develop-an na nga talaga ang dalawa at siguradong ikatututuwa ito ng AlDub nation. ‘Yung TVC ng maglabtim sa McDonalds at Talk ‘N Text ay hit na hit na rin sa viewers at patuloy na pinag-uusapan sa social media at umaani na ng millions of tweets.

Noong Martes ay inihayag ni Bossing Vic, na si Yaya Dub ang nagwagi sa wildcard round nila ni Alden na nag-Mr. Pogi at siya naman nagpakita ng iba’t ibang talento sa Fatalbugan. Kaya abangan ninyo dahil ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nang todo ni Maine ang kanyang gagawing production number sa grand finals ng #BulagaPaMore#DabarkadsPaMore.

Sigurado bago mag-umpisang mag-shooting ang AlDub ay magkikita na muna sila sa kanilang no. 1 na KalyeSerye sa tanghali na AlDub na napanonood araw-araw sa Eat Bulaga.

So very, very exciting gyud!

LAUNCH NG OFFICIAL SCRAPBOOK NG JADINE BUKAS NA SA AYALA TERRACES FAIRVIEW, #OTWOLMOSTAPPROVEDKISS TINUTOKAN WORLDWIDE

Pagdating sa rom-com ay napakahusay talaga ni Direk Antoniette Jadaone at naimpluwensiyahan na rin ni Jadaone ang kanyang co- director sa “On The Wings of Love” na si Direk Jojo Saguin na kilalang-kilala sa paggawa ng mga serious at inspirational teleserye.

Kaya naman every night kasama ang mga pangunahing bida ng serye na sina James Reid at Nadine Lustre ay gabi-gabi nilang pinasasaya at pinakikilig ang viewers ng OTWOL lalong-lalo na ang JaDine fans worldwide.

Kabibiliban talaga sina James at Nadine na hindi man magsiyota sa tunay na buhay ay nagagawa nilang magpa-inlab sa mga manonood at honest bagay na bagay ang character nila bilang nagpapanggap na mag-asawa sa serye, para sa green card ni Leah (Nadine).

Sa latest episode, na-hopia man ang kissing scene nina Clark(James) at Leah ay pumatok pa rin at humamig ang episode na ‘yon ng 1.03 Tweets worldwide and nationwide sa hashtag na #OTW-OLMostKiligNight. Kagabi ay nangyari na ang totohanang halikan ng dalawa sa hashtag na #OTWOMostApprovedKiss and for sure lampas isang milyong tweets na naman ang nakamit ng JaDine o baka umabot pa sa 2 million. Isa sa na-witness namin kung bakit ang taas ng rating ng soap kasi hindi lang ito pang-bagets kundi para sa buong pamilya lalo na sa kuwento ng pagsasakripisyo ng anak para sa kanyang pamilya at amang may karamdaman. May kurot sa puso ang bawat eksena lalo na kapag kausap ni Leah ang kanyang Tatang na may sakit sa puso na ginagampanan ni Joel Torre. Ipinapakita rin dito ang closeness ng magkapatid na Leah at Tiffany (Bianca Manalo) ganoon na rin ang relasyon ng mag-inang Tita Jack (Cherry Pie Picache) at Jigz (Albie Casino) na nagkalayo ng mahabang panahon pero ngayon ay unti-unti nang nabubuo uli ang magandang samahan sa isa’t isa. Matindi rin ang hugot ng mga pinagdaanan ni Clark sa buhay. Natutong tumayo sa sarili niyang paa ang binata sa tulong ng kanyang Tita Jack na kasama niyang nakikipagsapalaran sa Amerika. Para naman sa lahat ng JaDine supporters, may magandang regalo para sa inyo sina James at Nadine. Bukas ay magaganap na sa Ayala Terraces Multi-Purpose Hall Fairview sa ganap na 3:00 p.m., ang launching ng kanilang official Scrapbook. Lahat ng may hawak ng scrapbook ay mabibigyan ng pagkakataon na makakapag-authograph kina James at Nadine.

Kaya’t agahan ninyo ang pagpunta sa venue ng maka-avail kayo nito.

PENELOPE KINAKARIR SI TONIO SA “I HEART KURYENTE KID” SA WANSAPANATAYM SPECIAL

Mukhang matatagalan pa sa kanyang trabaho at pamamalagi sa kanilang probinsya ang journalist na si Penelope (Alex Gonzaga).

Nasa bakasyon pa rin ang dalaga kasama ang kanyang mga magulang. Masyado kasing kinakarir ngayon ni Penelope ang pagbabantay para makakuha ng update sa bagong super hero ng kanilang bayan na si Kuryente Kid o Tonio (Ejay Falcon). Nakabantay rin ang dalaga sa lahat ng mga plano ng negosiyanteng si Bryan Santos na interesado sa beauty niya. Hangad ni Penelope ang promotion sa kanyang work at dahil masipag siya at nagagampanan ang ini-assign sa kanyang istorya ay mukhang ibibigay naman ng head ng news department ng kanilang TV network. Pero ano kaya ang magiging reaction ni Penelope kapag nalaman na si Tonio na kanyang kababata at si Kuryente Kid ay iisa ang katauhan. Makuha kaya niyang isikreto sa lahat ang kanyang madidiskubre o isisiwalat niya ito sa publiko. Bibong-bibo pala ang gumaganap na kapatid ni Ejay na si Miguel Vergara. Ka-join rin sa bagong handog na episode ng Wansapanataym Presents sina Tirso Cruz 111, Malou Crisologo, Barry Gonzales, Willian Lorenzo at Fourth Solomon. Napanonood ang I Heart Kuyente Kid every Sunday sa ABS-CBN after Goin Bulilit.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *