Thursday , June 4 2026

No Harm, No Foul at My Fair Lady, mapapadali ang pagtatapos

091615 NHNF fair lady

00 fact sheet reggeeWORRIED ang mga contract star at produkto ng Artista Academy  ng TV5 dahil pinatatapos na lang pala hanggang Oktubre ang mga programang produced mismo ng Kapatid Network.

Katulad ng No Harm, No Foul na na-approve raw hanggang 2nd season na dapat ay hanggang Disyembre 2015, pero hanggang Oktubre na lang kaya apat na linggong episode na lang ito mapapanood.

Dissolved na raw kasi ang buong entertainment ng TV5 na pawang line produced na lang ang mangyayari kaya masuwerte ang mga artistang kasama sa LolaBasyang.com at #ParangNormalActivity dahil dire-diretso lang ang trabaho nila na line-produced ngIdeaFirst nina direk Jun Robles Lana at Perci M. Intalan.

Maging ang My Fair Lady ni Jasmin Curtis-Smith ay hanggang Nobyembre na lang na kasisimula palang ay may taning na kaagad at good news dahil back to work na pala si direk Ricky Rivero dahil siya pa rin ang nagdidirehe nito.

Oo nga, anong mangyayari sa Artista Academy artists? Hindi pa man sila sumisikat ay mawawalan pa sila ng venue para makilala, unless kukunin sila ng mga line producer.

Good thing tuloy-tuloy lang ang Happy Truck Ng Bayan dahil ila-line produce ito ni Ms Wilma V. Galvante kasama na ang Wattpad.

Ay, karamihan palang kasama sa mga nabanggit na programa ay produkto ng Artista Academy.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …