Friday , July 26 2024

Unang pagsubok kay bagong DILG Secretary Mel Senen Sarmiento

mel senen sarmientoMUKHANG kahit bago pa lang sa kanyang posisyon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary MEL SENEN Sarmiento ay haharap na siya sa mga komplikadong kaso na hindi naiayos ng nagdaang administrasyon.

Gaya na lang ng reklamo ng mga Tayabasin laban sa kanilang mayora este mayor na si Dondi  Silang.

Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang suspendido si Tayabas Mayor Dondi Silang at ang lima pang opisyal sa kanyang local government unit (LGU).      

Kung saka-sakali, ang suspensiyon ni Silang at iba pang LGU officials ay gaya kay Makati Mayor Junjun Binay.

Pero nakapagtataka na hanggang ngayon ay nakaupo at namamayagpag pa rin umano si Silang at ang kanyang mga alipores.

Nauna pa dapat ang suspensiyon niya kay Binay (na ngayong Setyembre ay matatapos na) pero si Mayora Dondi, namamayapag pa rin?!

Ano na ba talaga ang nangyari sa reklamo ng mga Tayabasin?

Paging Secretatry Mel Senen Sarmiento!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *