Monday , July 15 2024

Unang pagsubok kay bagong DILG Secretary Mel Senen Sarmiento

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG kahit bago pa lang sa kanyang posisyon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary MEL SENEN Sarmiento ay haharap na siya sa mga komplikadong kaso na hindi naiayos ng nagdaang administrasyon.

Gaya na lang ng reklamo ng mga Tayabasin laban sa kanilang mayora este mayor na si Dondi  Silang.

Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang suspendido si Tayabas Mayor Dondi Silang at ang lima pang opisyal sa kanyang local government unit (LGU).      

Kung saka-sakali, ang suspensiyon ni Silang at iba pang LGU officials ay gaya kay Makati Mayor Junjun Binay.

Pero nakapagtataka na hanggang ngayon ay nakaupo at namamayagpag pa rin umano si Silang at ang kanyang mga alipores.

Nauna pa dapat ang suspensiyon niya kay Binay (na ngayong Setyembre ay matatapos na) pero si Mayora Dondi, namamayapag pa rin?!

Ano na ba talaga ang nangyari sa reklamo ng mga Tayabasin?

Paging Secretatry Mel Senen Sarmiento!

Bagong hepe ng airport police dep’t iniismol ang ordinaryong empleyado?

IBANG klase raw pala ang bagong hepe ng Airport Police Department (APD) na si retired General YLAGAN.

Masyado raw minamaliit at itinuturing na busabos ang mga janitor o janitress at mga guwardiya.

Masyadong malupit at arogante umano na animo’y mga sarili niyang alipin ang mga nabanggit na mga empleyado.

Mabuti pa raw noong ang hepe ng APD ay si ret. C/Supt. Jesus Gordon Descanzo, mabait sa kanila at inirerespeto ang kanilang katayuan.

Aba, anong lahi o social strata ba ang pinagmulan ni General Ylagan at parang nang-uuri siya ng mga tao?

Isa ba siyang haciendero na nagpapatakbo ng malaking lupain na mayroong daang-daang sakada?!

Reminder lang ho, General Ylagan, ‘yang sinisigaw-sigawan mong maliliit na empleyado ay kasama ‘yan sa nagpapasuweldo sa iyo.

May posisyon ka nga riyan sa Airport, pero para magmando ng peace & order at seguridad hindi para mambusabos ng maliliit na nilalang.

Mahiya ka naman oy!

Dinaig mo pa si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Bodet Honrado na dating opisyal ng Philippine Airforce (PAF).

Ilugar mo ang sarili mo, retarded ‘este’ retired Gen. Ylagan.

Ayusin mo naman ang manners mo!

Tatlong ari ‘este’ hari nakinabang sa GMA admin maging sa daang matuwid

KUNG sa husay at kaalaman, walang duda na si Madam Secretary of Justice Leila De Lima ay pwedeng-pwedeng maging senador.

Pero mayroong ‘hindi’ kaaya-ayang bagahe ang lady cabinet member ni Pangulong Noynoy na kung ating maaalala ay naging Chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) noong panahon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nitong nakaraang linggo, nang magprotesta ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC), marami sa Bureau of Immigration ang nag-akala na magre-resign na si Madam Leila…

At mismong mga taga-Bureau of Immigration (BI) ay umasa na isasama rin niya sa kanyang pagre-resign ang kanilang Commissioner na si Siegfred “Green Card Holder” Mison.

Marami raw ang nanalangin para kay SOJ Leila…nanalangin na mawala na siya sa DOJ.

Ngek!!!

Pero hindi umabot sa resignation dahil nagkaintindihan na  nga daw ang Malacañang at ang mga opisyal ng INC.

Sa madaling sabi, all’s well that ends well.

Marami ang naniniwala na dahil sa INC rally na ‘yan, humina ang tsansa ni Madam Leila na makasampa sa Senado.

Dahil marami ang galit sa sistemang pinaiiral ngayon sa BI, tiyak na olats daw ang Liberal party Presidential candidate sa darating na election sa kanilang ahensiya.

Kahit magpa-survey pa raw diyan ngayon sa Immigration?!

Kunsabagay, kung mga taga-Immigration ang tatanungin, ayaw nilang maging Senador si Madam Leila dahil mahilig siyang magtayo ng ‘sariling kaharian.’

Gaya na lang nga sa Immigration.

Bukod sa pamamayagapag ng kanyang ka-oragon na si ‘pabebe’ Mison, ‘e muling nabuhay ang ‘syndicated’ effort ng gaya nina Atty. Norman Tansinco, Jonjon Gevero at Atty. Floro Balato.

Ang tatlong ‘yan ay dati nang namayagpag sa Immigration noong panahon ni GMA.

Sila ang mga trusted Lieutenant ni dating Comm. Nonoy Libanan.

Bistado na rin ang kanilang ‘syndicated effort’ pero nakapagtatakang nakapamamayagpag pa rin sila hanggang ngayon sa administrasyon ng daang matuwid.

Tsk tsk tsk…

Ano bang ‘asim’ o ‘dagta’ mayroon itong sina Tansingco, Gevero at Balato na kayang-kaya nilang mag-manipulate at magpaikot ng mga tao maging ng mga kagaya nina Mison at Madam Leila?

Kumbaga, kayang-kaya nilang i-recycle ang mga sarili nila, depende sa kung ano ang pangangailangan ng isang administrasyon.

Mukhang malakas ang ‘bargaining power’ nitong sina Tansinco, Gevero at Balato sa administrasyon, lalo na ngayon nalalapit ang eleksiyon.

Ganoon nga ba ‘yun, Madam Leila?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Dragon Lady Amor Virata

Calixto ng Pasay ‘di kayang gibain

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG mayroon man may lakas ng loob na labanan …

YANIG ni Bong Ramos

Bukod sa West Philippine Sea  
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?

YANIGni Bong Ramos BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Wanted ngayon: DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG gaano kabilis tinalikuran ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

Sipat Mat Vicencio

Sara mag-ingat sa pambobola ni Imee

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG pormal nang nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang Secretary ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *