Monday , September 25 2023

Beauty, tinigok sa Ningning dahil nagmamaldita (Okey lang daw sana kahit nabuntis)

091415 Beauty Gonzalez

00 fact sheet reggeeSUNOD-SUNOD ang mensaheng natanggap namin nang mabasa ang isinulat naming tsugi na si Beauty Gonzalez sa Ningning dahil limang buwan na siyang buntis.

Ayon sa nagpadala ng mensahe, naba-bother siya sa isinulat namin dahil ang buong katotohanan daw ay walang planong patayin ang karakter ni Beauty sa serye at okay daw na buntis siya at idaragdag sa istorya na lang na magkakaroon na ng kapatid si Ningning.

“Ano ka ba, Bonoan (tawag sa amin), nag-a-attitude (problema) si Beauty sa show (serye) kaya siya pinatay (karakter).

“Nag-sorry naman sa production, pero huli na dahil nakapag-decide na sila (management) na tigukin siya.

“Yung pagbubuntis, eh, puwede naman daw sana isama sa kuwento that is, kung okay ang attitude niya, kaya lang nagmaldita siya, kaya hayun, tinigok. Umiyak nga noong sinabihang tsugi na ang karakter niya.

“Kahapon, (Biyernes), kinunan na ‘yung libing scene, kaya RIP (rest in peace) na siya,” kuwento sa amin mula sa hindi kilalang numero.

Bigla tuloy naming naisip na baka nga kaya itinanggi ng management agency ni Beauty na buntis siya ay dahil nga hindi nila akalaing mawawala sa Ningning ang talent nila.

Pero sa kabilang banda, ano nga ba ang dapat ipagmaldita ni Beauty kung sakaling totoo ito, eh, wala pa naman siyang napatutunayan as in? Hindi naman siya ang bida sa Dream Dad at support lang naman siya sa iba pang projects na kasama siya pati sa pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Nagtatanong lang po.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWANni Ed de Leon PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw …

Marian Rivera Marimar

 Marimar dance moves ni Marian sa Tiktok inaabangan

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAYO man o nakaupo, naku, patuloy na inaaliw ni Marian Rivera ang followers niya …

Blind Item Man Sausage

Male star singer ibinuking viena sausage na laila dee pa

HATAWANni Ed de Leon AKALA ng walang name na male star-singer ay nabola na niya at mahuhuthutan …

Jak Roberto

Jak muntik magoyo ng isang kaibigan sa negosyo

RATED Rni Rommel Gonzales Ang The Missing Husband ay kuwento tungkol sa mga biktima ng money scam …

Donita Nose Super Tekla

Donita Nose kering makipaglaplapan kay Tekla

MATABILni John Fontanilla HANDANG makipaglaplapan kay Tekla ang singer & comedian na si Donita Nose if ever na mabibigyan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *