It’s Showtime, itinangging may nilulutong pantapat kay Yaya Dub

090815 Yaya Dub lola vice ganda
HEALTHY competition  ang nasa mentalidad ni Vice Ganda sa Aldub Fever ng Eat Bulaga. Noon pa man ay may kompetisyon  na raw ang GMA 7 at ABS-CBN 2. Hindi lang naman daw It’s Showtime at Eat Bulaga ang magkalaban kundi maging ang mga teleserye.

Pero itinanggi niya na may nilulutong segment ang It’s Showtime  tungkol sa pagda-dubmash bilang pantapat kayYaya Dub. Sa ngayon effective pa rin naman ang  AdVice Ganda na nagbibigay ng payo si Madam Bertud. Sa ganitong tema ay naaabot siya ng masa bukod sa pagpapa-good vibes. Marami ang nakare-relate sa netizens.

May image na rin ngayon si Vice bilang isang matulunging host.

Sey niya, mas blessed daw siya ngayon kaya  mas nakakapag-share siya ng blessings.

Bukod dito, tinutulungan din siya ng ibang friends niya para makapagpa-good vibes siya.

TALBOG – Roldan Castro