Thursday , June 4 2026

Galit ni Ai Ai sa reporter na nambuko sa BF, ‘di pa nawawala

090815 aiai delas alas

HINDI pa rin mawala-wala ang galit ni Ai Something sa PEP staff na si Arniel Serato.

Sa isang event ng Siete for the Bangus Festival in Dagupan ay nagkita ang dalawa, si Ai Ai kasama ang ilang Kapuso stars at si Arniel naman na kasama ang ilang press to cover the event.

As soon as nakita ng laos na komedyante si Arniel ay kaagad daw itong umingos sabay talikod. Alam niya kasing iinterbyuhin siya nito at ng mga kasama nito. Eh, bigla yatang nag-init ang ulo ni Ai Ai pagkakita kay Arniel kaya dali-dali itong tumalikod.

Isan’t that pambabastos?

Bakit hindi mapatawad ni Ai Ai si Arniel? Bakit galit na galit pa rin siya sa nasabing reporter na naka-scoop sa name ng dyowa niya? Hindi ba niya ito mapatawad until now?

Nagtataka lang kami dahil ang alam namin ay maka-Diyos itong si Ai Ai, devotee siya ni Mama Mary at sandamakmak na pari ang nasa paligid niya. Ang dami niyang paring kaibigan pero tila hindi na-imbibe ng laos na komedyante ang pagpapatawad. Parang wala sa vocabulary niya ang pagpapatawad.

How sad!!!

Also, marami ang nakakapansin na masyadong paandar itong si Ai Ai. Alam niyang may pa-presscon ang GMA for Sunday PINASaya pero tumawag siya ng solo presscon sa tanghali. Ayaw niya yatang may kahati sa interview, gusto niya ay solo lang.

Mayroon ngang nagtatanong, bakit noon una ay super tago si Ai Ai ng boyfriend niya tapos lately ay panay ang display niya nito. Sa last presscon niya ay present ang kanyang boyfriend, ‘no!

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …