Sunday , April 28 2024

Sintas ng sapatos ni Arjo, walang kaabog-abog na itinali ni Coco

082615 coco ria atayde atayde

00 fact sheet reggee“PAYAG akong mag-showbiz siya (Ria Atayde), isa lang ang regulasyon ko, huwag siyang magbo-boyfriend ng taga-showbiz!,” ito ang seryosong sabi ni Arjo Atayde nang makatsikahan namin tungkol sa pagpasok ng kapatid sa mundong ginagalawan nilang mag-ina na si Sylvia Sanchez.

Dahil na-curious kami, tinanong namin kung anong dahilan kung bakit ayaw ni Arjo ng showbiz boyfriend para sa kapatid niya.

”’Yun lang naman. As in, ayoko talaga. I’m very open to whatever question you give me, pero this one, hindi ko po sasagutin talaga. It’s very personal talaga,” matigas na sagot ng aktor.

At kung magkakaroon man ng boyfriend ang dalaga, “Outside showbiz, more on business people. Non-showbiz people,” diin ni Arjo.

Biniro si Arjo na sobrang higpit naman niya, dinaig niya si Papa Art Atayde na aminadong daddy’s girl si Ria.

“No, I’m not protective naman. It’s the only rule lang naman ever since she entered showbiz.

“Kasi, kung ano ang ipakikita niya sa TV, kung ano ang gagawin niya, problema niya ‘yun.

“Siya ang kailangang mag-work for that certain character, kailangan niyang i-build ‘yun, patunayan niya ang sarili niya. That’s not my job. My job lang is to tell her what I don’t like, which is, ‘yun lang,” katwiran pa ng kuya Arjo ni Ria.

Pero payag siyang magsuot si Ria ng sexy outfit sa show.

“Walang problema sa akin ‘yun. Work is work. What I’m talking about is personal,” sagot naman ng binata.

Noon pa gustong mag-artista ni Ria, pero katulad din ng magulang niya, gusto rin sana ni Arjo na hindi showbiz ang tahaking landas ng kapatid dahil baka mahirapan kaya nga nagtapos ito ng Communication Arts sa De La Salle University.

”Mas gusto ko siyang mag-beauty queen, newscaster, naisip ko rin kung mag-beauty queen siya, mas easy for her dati to enter showbiz,” say pa ni kuya Arjo.

Kaya nagulat na lang daw ang aktor nang malamang nasa Ningning na pala si Ria bilang si Teacher Hope.

”Isinikreto nila sa akin, eh. Nalaman ko na lang nang pinapunta nila ako sa taping.

“Pero hindi pa nila sinabi sa akin na kaya ako pupunta ng taping dahil naroon si Ria.

“Ang sabi ng mommy ko, kakausapin daw namin si Direk Jeffrey Jeturian dahil may ibinebentang building. Tapos ako, on the way there, nagri-research pa ako.

“So, natuwa ako para sa kanya, at the same time, nainis din ako. Ang dami kong inisip sa kotse (habang papunta ng taping)!” kuwento ng aktor.

Kaya wala ng nagawa si Arjo dahil maganda rin naman daw ang mga naririnig niyang feedback tungkol sa kapatid.

At ang masasabi ni Arjo na tatlo na sila sa showbiz, “masaya. At least, kapag naimbita kami sa event, magkakasama na kaming darating.”

Nang tanungin namin si Arjo kung gusto rin ba niyang makasama ang kapatid at mommy niya sa isang project ay kaagad siyang tumawa.

“Oo, may kuwento na nga kami, mayaman kaming magkapatid at katulong namin si mommy, aapihin namin siya tapos in the end, malalaman naming nanay pala namin siya,” natawang sabi ng aktor.

Naloka naman si Ibyang, “oo, ganyan ‘yan kung apihin ako, pero malalaman nilang anak ko sila kasi lalasunin ko sila,” ganting sabi naman ng aktres.

Going back to Arjo ay muli na naman niyang napahanga ang mga dumalo sa advance screening ng FPJ’s Ang Probinsiyano dahil hindi siya nagpahuli in terms of acting kina Coco Martin, Jaime Fabregas, at iba pang kasama sa serye.

Aminado si Arjo na pinaghahandaan niya sa tuwing papunta siya ng taping nila nina Coco dahil kailangan niyang sabayan sila na nakita naman base sa napanood naming eksena ng dalawang aktor.

Puring-puri to the maximum level ni Arjo si Coco.

“Tita Reggee, grabe si Coco, sobrang intense, kaya sobrang hanga ako sa taong ‘yun, hindi ko ini-expect sa generation namin ngayon na ang isang tulad ni Coco na super sikat ay napaka-humble, lahat sa kanya pantay-pantay at hinahayaan niyang mag-shine kaming lahat sa bawat eksena namin.

“Hindi uso sa kanya ‘yung kailangan siya ‘yung lalabas na bida sa eksena, kailangan sa kanya ‘yung highlight parati, walang ganoon, kaya sobrang mahal ko ang taong ‘yun,” kuwento ng kontrabida ni Coco sa Ang Probinsiyano.

Isa pang revelation ni Arjo tunkol kay Coco.

“Sa training kasi namin tita, maysakit ako noon, pero kailangan kong tapusin ‘yung eksena kasi kailangan na at nakakahiya, nakatayo kami lahat na trainee, natanggal ‘yung sintas ng combat boots ko, hindi ako makayuko kasi nahihilo na ako.

“Alam mo tita Reggee, imbes na utility o alalay ang magtali ng sapatos ko, si Coco mismo ang pumunta at nagtali ng sintas ko, nagulat ako. Kasi puwede naman iyon iutos sa iba, roon sa PA, kaya sabi ko sa sarili ko,’grabe ‘tong taong to, wala sa kanya ang estado niya.’

“Parati nga rin niyang ikinukuwento sa lahat ‘yung naging buhay niya noon at hirap na pinagdaanan niya, iyon daw ang naging salamin niya kaya grounded siya lagi.

“Marami siyang natulungan pero hindi niya hinihingan ng kapalit o i-acknowledge siya o tanawing utang na loob sa kanya.

“Kaya hindi ako nagtataka, sobrang blessed niya, tita, gusto kong ganoon ang maging takbo ng career ko. Gaano man katagal, maghihintay ako when the right time comes,” mabahang kuwento ni pa Arjo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *