Wednesday , September 11 2024

Kakaba-Kabakaba, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, Kasal, Cain at Abel, nasa proseso na ng restoration

 

082115 ABS-CBN Film Restoration

00 fact sheet reggeeSA mga gustong makapanood ng lumang pelikula, puwede itong mapanood sa Rockwell Cinema 5 simula Agosto 26 hanggang Setyembre 1 na may titulongReelive The Classics film exhibition.

Kasama ang Once More Chance nina John Lloyd Cruz atBea Alonzo at Got To Believe nina Rico Yan at Claudine Barretto.

Kasama ang dalawang pelikula sa Ini-restore dahil nga marami pa rin ang nagre-request na muli itong ipalabas sa sinehan at kahit bago-bago pa ito kung ikukompara sa mga pelikulang Sana Maulit Muli, Hindi Nahahati Ang Langit, Tanging Yaman, Oro Plata Mata, Karnal, T-Bird, at Ako at Sarah Ang Munting Prinsesa.

Nasa proseso na rin daw ang pagreretore ng Kakaba-Kabakaba, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, Kasal, Cain at Abel, Pedro Penduko, Nunal sa Tubig, Haplos, Karma, Soltero at iba pa.

Sa ginanap na presscon ng Sagip Pelikula ay dumalo ang mga premyadong direktor na sina Jose Javier Reyes, Mel Chionglo, Laurice Guillen Joey Romero, at scriptwriter na si Ricky Lee at cinematographers na sina Manolo Abaya at Romy Vitug.

Tinanong ang mga nabanggit na direktor kung ano-anong mga pelikula ang gusto nilang i-restore.

Sabi ni Joey Romero, ”so far ang gusto ko all the works of my father, at nai-restore na ‘yung ‘Ganito Kami Noon’, sana ma-restore rin ‘yung ‘Aguila’.”

Si Direk Joey, ”lahat ng pelikula kong kasama si Vangie Labalan, the post digital Mary Walter. Well, nagtampo nga ako and I confronted Leo na sabi ko, bakit hindi pa ginagawa ang ‘May Minamahal’ and apparently it’s in a state which is not restorable at this point, the prints are all damage. Maybe ‘Radio Romance’ and ‘Kung Ako Na Lang Sana’.

Ayon naman kay direk Mel, ”all my films in Regal, gusto kong ma-restore lahat, I was under contract with them for 10 years so lahat ng pelikula ko, nasa kanila. And of course ‘Midnight Dancers’.

Lastly si direk Laurice, ”’Salome’, the mysterious Salome, eh, kasi mysterious talaga. And my first komiks film in Viva Films, ‘Kung Mahawi Man Ang Ulap’ also, ‘Lumayo Ka Man Sa Akin’ under Seiko Films.”

Ang project na ito ay pinamahalaan ni Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Archives and Restoration katuwang naman niya si Ronald Arguelles, Channel Head ngCinema One.

Samantala, naikuwento ni Mr. Katigbak kung bakit nila naisip ang restoration project ng ABS-CBN, ”maraming nagtatanong kasi kung ano ba talaga ang restoration project ng ABS-CBN, this project is something that with partner with digital lab.

”Ako kasi noong bata mahilig talaga sa pelikula kaya naulungkot ako na ang mga pelikula ngayon na kinalakihan ko hindi na ho nagsu-survive.

“So, when we set-up the film archives over 20 years ago, tapos, one of the things that we wanted to do is we wanted the movies to ensure kaya lang napakamahal ng restoration noon, and over the years, we’ve been talking with Manet Dayrit who used to be in Roadrunner also at ang specialization nila is film restoration.

“At noong nakita naming medyo bumababa na ang cost ng restore ng films, we decided to partner beginning 2011 at ang unang pelikulang natapos, mga 2012.

“Bakit ho ba natin ito ginagawa? The Philippines produced closed to 9,000 movies since cinema started coming to the Philippines.

“Ang problema ho as of now, more than half of that (films) are no longer surviving and of the remaining siguro, 40% that is survive, half of that is no longer restorable.

“Halimbawang nakikita ninyo sa video 48 ba ‘yun, mga VCD o kaya VHS copies, ‘yung ibang sine, ‘yun na lang talaga ang nagsu-survive at pag nawala na ‘yun, that’s the end of the movie.

“Pero ang isang naging malaking problema rin nito ay karamihan ng producers, did not really seen the need to preserve the prints, kasi rati wala namang cable, wala namang DVD, TV lang at saka sinehan.

“So pagkatapos niyon, napakagastos itago ng pelikula, kailangan naka-aircon ‘yan, naka-room temperature ‘yan, so mas mabuti na lang ibenta, gawing torotot sa bagong taon kaya ang nangyari, nawala karamihan ang mga pelikula.

“’Yung ibang nakikita pa namin, more or less naiba na ‘yung hitsura niya at hindi na ‘yun mai-scan hindi na ‘yan mare-restore so nakalulungkot na nakikita sa mga sinehan, sa mga probinsiya ang ganitong kondisyon.

“Our weather kasi is not conducive also to preserve to print materials. Ang isa pang nakalulungkot sa amin, ‘pag tinanong mo ang mga kabataan ngayon bakit hindi nila pinapanood ang mga lumang pelikula, ang sasabihin nila, ‘eh ano ba ‘yan, wala ng kulay’, ‘pag nakikinig ka parang popcorn na pumupumutok-putok ‘yung audio, puro gasgas siya, mali-mali ‘yung continuity, kulang-kulang ‘yung mga eksena’.

“Bukod doon, when I was in Adamson University the other day, ‘yung mga direktor na gumagawa ng pelikula na kahit gaano kagagaling, nakalilimutan na nila, hindi na nila naalala sina Lino Brocka, Mike de Leon, more so ‘yung mga writer ng mga pelikulang ‘yun, so nakalulungkot.

“Ang gaganda ng mga pelikulang nagawa natin noon, pero kaunti na lang ang nakakaalala, pagkatapos ngayon, ang dami-dami pang mga bagong flat forms, hanap nila content, pero dapat maganda ang content, walang gasgas at walang kulay ang materyal mo, paano naman pagtitiyagaan ng kabataan ‘yun?

“So ang punto de vista namin, puwede namin baguhin ang pananaw ng audience sa mga lumang pelikula, puwede namin silang i-excite rito sa mga lumang pelikula at puwedeng palabasin namin na kung hindi ninyo alam na ganito ay parang ngayon o kahapon lang siya isinyut.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Paolo Contis Dear Santa

Paolo Contis nalungkot sa desisyon ng MTRCB, Dear Santa ‘di na maipalalabas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DISAPPOINTED si Paolo Contis sa pinal na desisyon ng Movie and Television Review …

Mike Magat

Mike Magat gustong maidirehe si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales FULL TIME na sa pagiging direktor ang aktor na si Mike …

Ken Chan

Ken Chan nabulabog ipinanghihingi ng pera

MA at PAni Rommel Placente NANANAWAGAN si Ken Chan sa publiko para bigyan ng babala tungkol sa …

Ariel Rivera

Ariel Rivera ‘ginamit’ sa modus, nanghingi ng pera sa mga kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, ibinandera ni Ariel Rivera ang screenshot ng isang Facebookaccount na kapareho …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek masaya sa kompletong pamilya kasama si Ellen

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ng radio host na si Morly Alino, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *