This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MATAPOS masakote ni Customs ESS DepComm. Ariel Nepomoceno ang mga luxury cars sa Port of Batangas ay may nagpakalat ng mga mapanirang text messages sa Bureau of Customs.
Pinalalabas sa nasabing text message na ‘alert me’ o timbrado na raw sa kanyang mga tauhan ang nasabing kontrabando at kaya ini-hold ay para unahan ang IG operatives.
Alam n’yo mga suki, sa tagal na natin nagkokober sa Customs, isa itong si DepComm. Nepomuceno na nakita natin na maayos at matinong opisyal. Hindi aiya papatol sa ganyang diskarte para sirain lang ang kanyang magandang pangalan.
Ngayon, kung may matibay na ebidensiya ang taong nagpapakalat ng mapanirang text na may naka-tongpats na tauhan ni Depcomm. Nepomuceno ay ilabas at ipakita n’yo agad sa kanya.
Tiyak na may kalalagyan kay Nepomuceno ang tiwali niyang tauhan, kung may katotoha-nan ang text messages na ‘yan.
Alam natin na tinamaan nang matindi ang broker/importer nito kaya hindi malayong rumesbak laban kay DepComm. Nepomuceno.
Better luck next time na lang sa mga nagpakalat nitong text messages.
Dehins tatalab ‘yan sa magandang perfomance ni DepComm. Nepomuceno!