Para saan ang bagong pay codes sa Immigration?

ImmigrationWala na yatang masyadong trabaho riyan sa Admin Division ng Bureau of Immigration kaya kung ano-anong pakulong Memo na lang ang naiisipan!?

Kamakailan, may ipinalabas na Memorandum si BFF ni Ferdie Sampol na si Immigration Admin head Jonjon ‘mason’ Gevero na gagawin nang Pay Codes instead na dating Pay Rates, which is more convenient and most of all transparent ang Overtime Pay sa Bureau.

What is this for, Mr. Gevero? Ito ba ay para itago ang ibibigay na OT pay sa employees?

Mukhang may plano kayo na gawing sikreto ang bigayan ng OT pay!?

‘Yung mga very close at loyal kay Immigration Commissioner Fred “US immigrant” Mison ay bibigyan ng magandang rate at ‘yun namang hindi niya BFF o mga pasaway ay hindi parehas ang ibibigay?

Tama ba ‘yang analysis na ‘yan, Atty. Mahadera ‘este’ Madera?

I smell something fishy on this, Mr. Admin Chief Jonjon!

Ang isa pa, medyo nakalilito ang bagay na ito para sa mga staff na in-charge sa paggawa ng accomplishment reports.

Gaya lang sa airport, kadalasan, CAs lang or JOs ang gumagawa ng accomplishment reports at OTs nila so hindi kaya sila malito dahil hindi naman ito ang nakagawian nila?

It would take a lot of time bago ma-perfect ang gusto mong sistema. Kaya mas mabuti siguro kung esep-esep na lang ng ibang papogi, Mr. Admin Chief!

Anyway, matagal ka nang pogi sa paningin ni Pabebe boy!!!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com