Saturday , July 27 2024

Julia, tanggap na mas sikat si Kathryn

081815 Julia Montes kathryn bernardo

00 SHOWBIZ ms mHINDI maiiwasang laging pagkomparahin sina Julia Montes at Kathryn Bernardo kapag may bagong teleserye ang sinuman sa kanila.

Tulad kahapon sa presscon ng pinakabagong drama series ni Julia na magniningning na simula Agosto 24 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, ang Doble Kara, natanong si Julia kung ano ang masasabi niya na mas sikat na sa kanya si Kathryn?

“Kathryn is Kathryn po talaga and I’m happy po kung ano na po si Kathryn ngayon—Teen Queen, ‘di ba? And happy din po ako na parang sabi ko nga po, from ‘Mara Clara’, hindi ko rin naman po ine-expect po na mabibigyan ako ng ibang role, na puwede po palang hindi ako maging kontrabida lang forever,” esplika ni Julia.

Noon pa ma’y lagi niyang sinasabing magkaibigan sila ni Kathryn bagamat hindi ganoon kadalas ang kanilang pagkikita. At hanggang ngayon, friends pa rin daw sila at walang inggitang nangyayari sa kanila.

Sa kabilang banda, sobrang happy naman si Julia sa career niya ngayon at sinabing sobra siyang na-challenge saDoble Kara . ”Sa rami ng mga role na nagampanan ko na hindi para sa edad ko, masasabi ko talaga ngayon na ito ang pinaka-challenging na proyekto na ibinigay sa akin. Dahil hindi lang puso at isip ang kailangang ibigay ko rito kundi pati na rin ang buong pagkatao ko,” ani Julia.

Iikot ang kuwento ng Doble Kara na handog ng Dreamscape Entertainment  sa buhay nina Sarah at Kara, ang kambal na nabuhay sa isang masayang pamilya sa kabila ng kanilang kahirapan. Ngunit dahil nagkaroon ng malubhang sakit si Kara, mapipilitan ang kanilang ina na paghiwalayin ang kambal at ibigay si Kara sa kanilang tunay na ama dahil wala silang sapat na pera para maipagamot ito.

Kasama rin sa Doble Kara sina  Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon, at Alora Sasam.  Ipinakikilala rin sa teleserye ang bagong leading men ni Julia na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. Kasama rin si Alicia Alonzo para sa kanyang espesyal na pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *