Sex-videoke clubs sa Batangas-Avenida (Paging: NBI-ANTHRAD & CIDG WACCU)

sexyWALANG takot kung bumandera ang mga KTV bar/club cum pokpokan sa Batangas St., at Avenida Rizal hanggang C.M. Recto sa Sta. Cruz, Maynila.

‘Yan po ang ipinaabot na impormasyon sa inyong lingkod ng mga impormante natin sa area na ‘yan.

Simple lang ang modus operandi nitong mga beteranong bugaw at KTV club operator.

Dahil matunog at bistado na ang raket ng RAFFSTAR (all the way club) ‘e biglang nagtayo ng KUBO in the City KTV Videoke bar kuno.

Pero sa totoo lang, konektado rin daw ito sa Raffstar.

Kumbaga, front lang ang Kubo in the City videoke ng Raffstar. Namumunini raw kasi ang ‘bentahan ng laman’ diyan sa Rafstar.

Nawala kunwari ang Prinsesa at Raffstar pero buhay na buhay naman ang Kubo in the City.

Ayon pa sa ating impormante, hindi raw makapalag ang Manila Police District (MPD) sa pokopokan club na ‘to dahil isang sipsip-higop na nagpapakilalang beteranong ‘mangongotong sa Divisoria’ ‘este’ reporter ang tong-pats sa nasabing videoke bar cum pokpokan.

Prontada raw kung magsalita ang nagpapakilalang beteranong vendor mangongotong ‘este reporter, na siya ang naglalakad ng papeles ng nasabing videoke bar cum pokpokan sa Manila City Hall at ‘pato’ rin kuno sa MPD HQ.

Ang lakas mo pala kay Yorme Erap, beteranong boy tongpats!   

Kung inaakala ninyong ‘videoke’ lang ang gimik ng “Kubo in the City” ‘e nagkakamali po kayo.

Bukod sa Raffstar KTV ay konektado rin ito sa mga ‘serbisyong’ ibinibigay ng  mga katabi nilang sex-videoke club gaya ng AMBISYOSO, M2M at KING AND QUEEN.

“Kubo in the City” daw ang ginamit na pangalan na ang ibig sabihin ay hindi na kailangan pang dumayo sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Marilao, Bocaue, Balagtas at Guiguinto para lang makatikim ng kakaibang luto ng mga kubo-kubo roon.

Parang bargain umano ang presyo ng mga bebot na menor de edad para sa serbisyong ibibigay nila sa parokyano.

Ang sabi nga raw ng mga kalabang KTV, bakit sila topless lang, sa “Kubo in the City” pwedeng  all the way ang hubaran?!

Ang sabi naman ng beteranong tongpats este reporter, “S’yempre hawak ko ito ‘e.”

National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division at  CIDG – Women and Children’s Complaint Unit (WACCU), pwede bang kayo na ang humataw sa mga club na ‘yan?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com