Thursday , November 30 2023

Sunshine, mag-aaral na lang kaysa asikasuhin ang lovelife

062615 sunshine cruz

00 SHOWBIZ ms mGOOD decision para kay Sunshine Cruz na magbalik-aral this coming semester.

Ani Sunshine, matagal na niyang pangarap na makatapos ng pag-aaral at tamang-tama na ngayon na niya ito isakatuparan. “Achievement ang edukasyon at pagkakaroon ng diploma,” ani Shine sa kanyang Facebook post. “And I know I owe it to my kids.”

Psychology course raw ang kukunin ni Sunshine sa isang unibersidad na ayaw muna niyang ibinigay kung saan. Basta kapag okey na raw ang lahat ay at saka niya ibabalita sa atin.

Sinabi pa ni Sunshine na nais niyang maging magandang halimbawa sa kanyang tatlong naggagandahang mga anak. “I want to be a good example to them.”

Iginiit pa ni Sunshine na hindi porke’t wala siyang lovelife kaya naisipan niyang mag-aral muli. “Love of my family and friends and dogs are far better than lofelife for now.”

Ayaw din daw niyang maghanap ng sakit sa puso at ulo.

“Yes I’m single (unofficial pa raw kasi hindi pa naga-grant ang annulment niya), but I’m not available for now,” paglilinaw pa ng aktres na after maging abala sa Oh My G! ng ABS-CBN ay sa mga event at out of town shows naman umaarangkada.

“Ngayon ko nagagamit ang pagiging singer. Puro events and out of town shows muna hanggang wala pang serye. Hopefully in two to three (2-3) months ay mayroon na uli akong teleserye,” ang positibong tsika pa sa atin ni Sunshine.

Goodluck Sunshine, sana’y tuloy-tuloy na rin ang pag-aaral mo at happy kami na nagiging maayos na ang lahat-lahat.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marissa Sanchez

Marissa aarte na lang, ayaw nang kumanta

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGAGANAP sa December 8 sa Samsung Hall ng SM Aura ang …

Vilma Santos

Vilmanians pinaglaanan ng maraming oras ni Ate Vi 

I-FLEXni Jun Nardo TUWANG-TUWA ang fans ni Vilma Santos-Recto sa mahabang oras na inilaan ng kanilang idolo …

blind item woman

Aktres limitado ang exposure, ‘di pwede mapuyat

I-FLEXni Jun Nardo MAS marami pa raw eksena ang co-stars ng isang series kaysa kanya. …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male starlet dumarami ang fans, pagiging professional car fun boy maitago kaya?

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG may isang lumalaking grupo ng fans na nababaliw ngayon sa …

Sunshine Cruz

Sunshine iniuugnay sa isang gambling lord

HATAWANni Ed de Leon NANANAHIMIK si Sunshine Cruz sa kanyang buhay, na puro trabaho at ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *